Thursday, October 12, 2017

ANG FATIMA AT ANG AMING MARIA (A Story of True Miracle of Fatima)


Una kong nalaman na may congenital heart defect si baby habang pauwi ako from Batangas. Madalas akong wala sa bahay dahil usually pinapupunta ako sa iba’t ibang Shell depot sa bansa. Most of the time nasa Batangas ako, at tuwing Sabado nagmamadali na akong umuwi dahil miss na miss ko na ang mag-ina ko. Pero that day napalitan yung excitement ko ng takot at awa, takot dahil hindi ko alam paano magdadala ng pamilya na meron may maselang sakit at sa maagang pagkakataon. Biro ko nga, ang aga naman ata sinubok ng Diyos ang pagiging magulang namin ni Mina. Awa para sa anak namin na hindi ko alam kung ano ba ng tunay niyang nararamdaman dahil sa sakit niya. 

Eventually through Maria’s pediatric cardiologist told us na si baby ay may Ventricular Septal Defect or VSD. May butas ang puso niya ng 3-5mm at lumalaki ang kaliwang bahagi ng puso niya. Maliit daw ang chance na magsara ang butas sa puso ni Maria dahil sa pwesto ng butas, maari daw na ma-operahan si baby kung hindi ito magsasara. Lumipas ang higit isang taon, pero hindi nangyari ang milagro na aming inaasahan. Hindi nagsasara ang butas sa puso ni baby, hanggang sa magdesisyong ang doctor niya na kailangan na talagang operahan at isara ang butas sa puso ni baby.

Syempre bilang ina kinabahan si Mina, ramdam ko ang takot niya pero bilang Ama kailangan kong lakasan ang loob ko. Paano na lang kami kung pareho kaming matatakot, kailangan may isang paghuhugutan ng lakas ng loob. Sa mga ganung pagkakataon wala ka na siguro talagang lalapitan kundi ang Diyos, higit naman sa lahat siya ang Dakilang Manggagamot. Kaya lagi kong sinasabi sa asawa ko, wag kang matakot may awa ang Diyos at gagaling din si baby at malalagpasan natin ito. Pumunta kami sa iba’t ibang simbahan Padri Pio, Santa Clara at Maging sa Kamay ni Hesus sa Quezon… umaasa sa milagro.

Isang Linggo bago dumating ang araw ng operasyon dumating dito sa Our Lady Fatima Parish, Mandaluyong ang replica ng Our Lady of Fatima Portugal dala ng World Apostolate of Fatima Philippines. Habang sumusunod sa convoy ng Birhen ng Fatima, habang nagmamaneho ako ay unti-unting pumapatak ang luha ko… sa lahat ng pinuntahan namin na simbahan, sa pagsunod sa Mahal na Birhen ng Fatima bumukal ang isang duwag, natatakot, at naninikluhod na panalangin.
“Panginoon, pagalingin niyo po ang anak ko”

Sa oras na yun hindi na paghingi ng panalangin ang nangyari, kundi itinuro ako ng Mahal na Birheng Maria kay Hesus… itinuro niya sa akin ang panalanging tunay at bukas sa puso. Tama nga sinabi ni St. Thomas Aquinas “As mariners are guided into port by the shining of a star, so Christians are guided to heaven by Mary.” Itunuro ako ng Mahal na Ina kay Hesus.

Madali lang palang sabihin na magpakatapang, pero nang nasa ospital na hindi na ako mapalagay, nag aalinlangan na din ako. Gusto ko nang iuwi ang anak namin at wag na lang ituloy ang operation, umiiyak na kaming mag-asawa lalo na nang mag 10 hours fasting si baby. Gutom na ang anak namin at wala nang tigil  sa pag iyak, pero wala kaming magawa dahil kailangan daw talaga yun bago operahan si baby. 

Habang inooperhan si baby sa Philippine Heart Center, wala kaming ginawa mag-asawa kundi ang mag dasal ng Santo Rosaryo tuwing lilipas ang isang oras. Wala kaming ibang kinapitan kundi ang Panginoon sa tulong at intersesyon ng Fatima. Hindi nagtagal pagkalipas ng anim na oras… nakita na namin si baby at ligtas niyang napagtagumpayan ang operasyon. 
The sign of Maria's courage

24 hours after the operation

One week after Maria's operation, during her follow check-up with her surgeon at Philippine Heart Center

Ngayon magdadalawang taon na si Maria Iohannes sa darating na ika- 13 ng Oktubre, sa araw ng kapistahan ng huling pagpapakita ang Mahal na Birhen sa Fatima. Hindi paghilom ng sugat o biglaang pag galing ang tunay na milagro ng Fatima tulad ng inaakala namin. Ang tunay na milgaro ng Fatima para sa amin ay ang muling papapalakas ng Grasya ng Pananampalataya naming mag-asawa, at magkaroon ng mapagkumbaba at lubos na pagtitiwala sa Diyos. 

Three months after Maria's Operation

The Our Lady of Fatima from Portugal


Viva Maria!

Viva Jesus!