Dahil
galing ako sa isang company na nagbibigay ng Defensive Driving Training/Program, bilang isang training officer at consultant, nasanay na ako na tuwing sasakay ng
sasakyan automatic na magsusuot agad ako ng seat belt. Ayon sa National Safety
Council, more or less 50% ang survival rate ng isang taong naka- seat belt kung
ang sasakyang sinasakyan nito ay ma-involve sa isang collision o aksidente. According to
Philippine Statistics Authority there are 10, 012 road accident deaths in 2015
significantly high compared to year 2006 with 6,869 road accident deaths. More
than 500 children died every year dahil na din sa aksidente sa kalsada.
Kumpara
nga naman sa pagsakay sa jeep lalo na sa mga “patok” na byaheng Antipolo-Cubao at
ang byaheng langit na mga bus papuntang Sucat at Alabang. Mas pinipili na nating mga
mananakay ang grab at uber dahil nga na mas safe silang sakyan. Pero hindi pa din tiyak ang
kaligtasan, kinakailangan na may kaalaman at kakayahan ang mga driver, mananakay at maging ang mga
operators para masiguro na ligtas ang byahe. Kung ang nakasalalay ay kaligtasan ng mga customer naniniwala ako sa prinsipyo na una kong narinig kay
Zig Ziglar, ayon sa kaniya pagadating sa pagnenegosyo dapat “serve first, earn later.” Ito
marahil ang pinakamagandang marketing strategy at puhunan sa isang negosyo,
kapag pinadama mo sa customer mo na hindi lamang siya pinagkakakitaan kundi higit sa lahat
tinutulungan mo pa siya. Bakit ko ito naisip? Allow me to share my experience
sa isang grab driver na hindi ko na lamang babanggitin ang pangalan.
Galing
kaming Sampaloc Manila, kasama ko si Mina (my wife) at ang 2 years old naming anak na si Yaniz. Madami kaming dalang toys at chocolates na pasalubong ng Tita
niya at dahil bukod sa ayaw kong ma-stress si baby sa byahe, nag book kami ng grab dahil sa dami ng dala namin. Pagsakay namin sa Wigo tulad ng nakagawian nagsuot agad
ako ng seatbelt. Dahil mas kmportbale nga nag lean ako ng upuan at ipinikit ang
mata at di nga nagtagal nakaidlip na ako. Nagising na lamang ako ng kalabitin ako ni Mina at ibulong
sa akin na inaantok ang driver. Hindi na ako natulog, nakipagkwentuhan na lang ako kay
Mina ng malakas ang boses para mawala ang antok ng driver. Nagbanggit na din ako
ng mga isyung political baka sakaling sumali si kuya sa usapan pero wala pa
ding effect. Sa Pureza pa lang napapansin ko na nabibitawan na ng paa niya ang
accelerator, pag dating sa Stop and Shop (Sta Mesa) jerky na ang takbo namin. Walang
traffic masyado dahil pista opisyal kaya pagdating sa Baltao going Lourdes
Hospital medyo bumilis ang takbo niya pero nawawala na siya sas linya. Pagdating naman sa traffic light na delay kami ng ilang segundo bago siya umandar dahil nga sa naka-idlip na siya. May mga pagkakataon pa na kinukurot niya ang sarili para
lang magising. Sa pagkakataong ito humingi ako ng isang Mars at M&M’s kay
Mina at binigyan ko ang driver. Binuksan ko ito (M&M’s) at nagsalin sa kamay
ng driver
“Kuya pangpawala ng antok.”
Nagpasalamat siya sabay hingi ng pasensya, nawala na ang kaba ko dahil nakita ko na lumaki na ang mata ni Kuya, at maya't maya kung sumusubo ng M&M’s. Bago bumaba pinaalahanan namin ang kawawang driver na magpahinga at mag-iingat sa byahe.
“Kuya pangpawala ng antok.”
Nagpasalamat siya sabay hingi ng pasensya, nawala na ang kaba ko dahil nakita ko na lumaki na ang mata ni Kuya, at maya't maya kung sumusubo ng M&M’s. Bago bumaba pinaalahanan namin ang kawawang driver na magpahinga at mag-iingat sa byahe.
In
safety we cannot take chances… pag nabundol na ang sasakyan hindi na natin
sigurado ang mangyayari. Gusto nating kumita, pero higit sa lahat siguraduhin
natin na nakakarating ng ligtas at may tamang serbisyo sa customer o mananakay.
Service above profit lalo na sa industriyang nagbibigay serbisyo tulad ng mga
Transport Network Vehicle (TNV), PUVs, Marine Vessels, Hospital (private man o
public) at iba pang serbisyo. Hindi ko kabisado ang scheme ng Grab o Uber, pero
ang alam ko may hinahabol silang number ng byahe para magka-incentive. Pero
siguro dapat may programa o polisiya ang mga kompanyang ito sa pangunguna na
din ng LTFRB at LTO para masiguro na ang mga driver ay may sapat na tulog at
pahinga. Ayon sa International Labor Office, Geneva “Fatigue causes a loss of
alertness in a driver, which is accompanied by poor judgment, slower reaction
time and decreased skill levels. In addition, a driver’s ability to concentrate
and make critical decisions is reduced, and it takes longer to interpret and understand
a traffic situation.” Hence, Filipino drivers must be empowered on how to
manage their working time, and this is possible if all the stakeholders will
take fatigue mitigation and management seriously.
Hindi
dapat nakokompromiso ang standard para lamang sa profit at isang market-driven perspective. Sa
panahon ngayon ang ganitong perspektibo ay hindi na epektibo at maituturing na isang self-distraction.
Ikumpara na lang natin ang posibleng kitain ng pribadong kompanya at ng gobyerno
sa posibleng pagkawala/pagkasira ng ari-arian, injuries, delay sa komersyo at
kalakalan and most of all the fatalities.
The truth is marketing, morality, and standard can work together… you just need to look at it (the business or career) in a different perspective. Stop pursuing for profit or
money. Serve and be firm with your standards… success and the rest will follow.
In a simple word I call this integrity.