Thursday, March 9, 2017

NOT THE GRADES DUDE!

Zzzz.... Hindi ko na siguro kailangan explain pa ang picture na ito, tulog ako during my Graduation day. Hindi dahil sa hindi importante sa akin ang araw na yun, pero sadyang nakakaantok dahil sa dami ng graduating students na aakyat sa stage, talagang hihikabin ka at worse baka makatulog ka pa tulad ko. Imagine libo-libo kaming tatawagin sa entablado? Gaano katagal yun?

Luto na ang hipon na ginisa sa luya at asukal, skabetse, inihaw na isda at handa na rin ang mga mucho sa Graduation Party ko, na hindi naman gaganapin sa bahay namin sa Pasig. Nagkusa nang maghanda ang mga kamag-anak namin sa Bacoor Cavite ng isang graduation party. Ang totoo kasi ramdam ko namang proud sila na may nakapagtapos sa angkan namin, sa side kasi ng Papa , sa kanilang labingisang magkakapatid, kung hindi man wala ay iilan lang talaga kaming pinalad na makatapos ng kolehiyo. Nakakatuwa lamang isipin na kahit mahirap ang pamilya namin, at karamihan sa mga tiyuhin ko ang talent ay uminom ng mucho mahalaga pa din sa kanila ang edukasyon.

Dahil nga sa espesyal na salo-salo hindi na namin tinapos ang commencement exercise, mula sa MOA SMX ay dumeresto na kami sa Cavite. Doon sila nakatira sa ilalim lang halos ng tulay sa Aguinaldo Highway, in short informal settlers sila doon, so mula Las Pinas ay sasakay pa kami ng ferry boat…este bangka papunta sa lugar nila… dos pesos lang ang bayad. Pagdating namin sa munti nilang barong barong doon may nakasabit na homemade banner “Congartulations Kuya Popoy.” Nakakaproud, proud ako para sa Tatay at Nanay ko, dahil parang nadagdagan pa ang pride nila bilang magulang, na makita ang anak nila na kinakatuwaan ng mga kamag-anakan dahil sa narating nito.

Para akong artista papicture ng papicture sa akin ang mga kamag-anak ko, nakakataba ng puso at the same time parang pumapalakpak ang tenga mo sa tuwa at pagka-proud. Pero isang tanong ang gumugulo sa isip ko… after nito ano na? Ano ang mga susunod kong gagawin? Saan ako mag-aapply? Paano ako sasabay? Hindi naman ako Cum Laude never nga akong naging Dean’s Lister, lalong hindi naman ako galing sa UP, Ateneo, De Lasalle or UST. Paano ako makikipagsabayan sa kanila? Saan ang bagsak ko nito?

Marahil ganito din ang tanong ng marami sa atin, lalong lalo na sa mga Graduating students. The fact is mahirap naman talagang makipag-sabayan, malaki at malakas ng competition sa market o saang industriya ka man kabilang. At kadalasan naiinip na lamang tayo or ang iba naman pressure nang magkatrabaho kaya naman ang tendency ay pupunta tayo sa trabaho na hindi naman talaga natin gusto. Indeed it is a fact, but the truth is kahit malakas ang competition, it doesn’t follow na hindi ka pwedeng mag succeed. Kung hindi pa man nagsisimula ang laban and we are discouraged at pinag-iisipan natin na “dito na lang ako mag-aapply” dahil nga feeling natin ay hindi tayo karapat-dapat sa ideal job natin… let me tell you this. It’s a myth. Hindi totoo na we cannot get the job that we want, ang totoo it’s not on the GRADES, not on the SCHOOL, or ACHIEVEMENTS… it’s all about YOU. How you perceive about your own capability as a person.

Allow me to give some tips on how to get your dream job or at least make a step towards that dream. Take note, not everyone can do this, but if someone could, well this will be a great advantage for him/her.

Step 1: Discover and Magnify Your Talent

Everyone has a talent, whether innate or nurtured lahat tayo ay may talento. Walang tao ang walang talento, you just need to discover it at kung hindi mo pa nadidiscover ngayon sa edad mong yan, medyo mahaba-habang trabaho yan… but it’s possible and doable. Your talent is your greatest asset, God gave that talent for you to bless people most specially your family. Gusto niyang gamitin mo ito, the tough part here yung madiscover mo na yung talent mo ay malayo sa tinapos mo (tulad ko). Pero mapalad ka naman kung ang talento mo ay talagang in lined sa natapos mong kurso. Nevertheless, either of the said situation the point is you’ve got to take advantage of that talent, magnify it, cultivate it-it’s your greatest capital.

Step 2: Plan

Talent alone is not enough, you’ve got to have a clear plan. Una tanungin mo ang sarili mo bakit mob a gustong maabot ang pangarap na yan? Para lang ba sa sarili mo? Or I am pretty sure… gusto mong maabot ang pangarap na yan para sa pamilya mo or mahal mo sa buhay. Your “WHY” is very important, it’s your booster once na nadapa ka, it’s your reason to go forward. Once you know your “why” you will easily have a picture of your goal… ultimate goal at least ten years from now. I suggest you write it down, describe your goal clearly, in detail and exact. Wag kang magarap ng malabo, malabo din ang resulta nito. Anong company ka magtratrabaho? Anong suot mo sa office? May sarili ka bang table? Or baka naman gusto mo ay may sarili kang company? Magkano ang income mo? Anong itsura ng office mo? Be specific as you can. Write this down everyday… yes everyday again and again at least for 1-5 months after your graduation, it will help to you to build a habit, a habit that will bring you to your dream.

Step 3: Jump

After you discover your talent and made a great plan the next step is to jump. Equipped with that talent, you need to jump and your talent is your parachute. It will open… soon. You just need to be brave. Kung nag-aapply ka remember this, may mga employers na ang tinitignan ay ang potential ng aplikante niya, hindi kung saan siya nanggaling. It is not a must that you start to your dream company, the main thing here is to start kahit sa small player company as long as you do what you love and you practice your talent. It is already a big step in reaching your dream job. In on line application make sure that your spill is brief, clear and tell something about your talent. Hindi mo kailangan ng nobelang spill in on line application or sa application letter mo, you just need to magnify your talent. Some will disregard it or even laugh at you… siguro dahil feeling nila ay mas magaling sila sayo. Pero remember this walang talento ang malaki o maliit as long as that talent will bring you in your destination… just go on. I have a different story but my story is not unique, tulad din ako ng iba na late nang nadiscover ang interes sa business and entrepreneurship. Malamang marami ding graduating students ang gustong mag-negosyo, maging boss ng sarili niyang company pero natatakot. Fear will only bar us to achieve our dreams, but facing it, choosing to be courageous will definitely bring us success. Tulad ng sinasabi ko sa mga kabataang gustong maging businessman… start as young as you are. Jump!

Step 4: Don’t Stop

Consistency is the key. Hindi pwede ang “nana.” Hindi dahil hindi ka natanggap, nareject ka or nalugi ka tapos na… suko na bes. Just don’t stop… failing is a gift for those people who possesses a good mindset. You’ll experience rejection and even humiliation, but just look forward, always have a picture of your goal in your mind. Be sure na malinaw ang goal mo… at ang reason ng goals mo… and these things will keep you going. Remember the law of sowing and reaping, kung ano ang tinanim yung ang aanihin, so kung magtatanim ka ng takot wala kang aanihin kundi takot. Kung magtatanim ka ng negatibong bagay, wala kang aanihin kundi negatibo din. Pero kung magtatanim ka ng magadang karakter, kassipagan at consistency… aani ka ng tagumpay. Tandaan mo din na hindi pag nagtanim ka ngayon ng kamatis kina-umagahan aani ka na ng kamatis. NO! You have to wait… you have to water your goals with perseverance… soon it will germinate.

Step 5: Help Other People

Please once you achieve your dreams. Pag mayaman ka na or kahit papaano ay nakakaangat na… please help other people to achieve their dreams too. Just pay it forward, and let’s make a better world.


Kung hindi mo sisimulan ngayon ang pagtupad ng pangarap mo? Kialan pa? See you in the summit of success! J

Monday, February 13, 2017

PARANG PAG-IBIG YAN…YOU HAVE TO TAKE THE RISK (Simple principles in taking the risk for your dreams)

Naglipana nanaman ang bitter sa buwan ng February, maraming tao ang malalim ang pinaghuhugutan, ang iba naman for sure excited na sa araw na ito…and Valentine’s Day. Ang buwan na kung saan mabenta ang bulaklak, chocolates at teddy bear, pero ito din ang araw na gustong kalimutan ng mga nagbibiter-biteran. Well marami na ang nabaliw sa pag-ibig, may tumalon na sa building, nagpasagasa sa tren at ang iba naman pinabayaan ang pangarap dahil lang sa masamang karanasan sap ag-ibig… hirap mag-move on ika nga.
I don’t know if everyone would agree, pero alam ko naramdaman na din ito ng ibang lalaki, na kung ang mga girls ay may “woman’s intuition” meron din kami nun. We have this ability to feel na may pag-asa kami sa babaeng nililigawan namin o wala. In short… magaling kami mag-assume, kaya nga marami pa ding lalaki ang matyagang manligaw, kasi kahit papaano, umaaasa, nag-a-assume na baka sakali dumating ang araw na sagutin din kami.

Hugot…Valentine ’s Day eh
So eto ako si “assumerong frog” date, nag-ipon, nag effort, nagtyaga at na-excite kasi perfect time na siguro para magtanong ng “would you be my girlfriend.” Perfect ang location, maingay pero ang tema tama lang sa isang lalaki na sasagutin ng babaeng minamahal niya… parang lumulutang, so enchanted and magical, parang feeling mo pag in-love ka… enchanted. Alam mo na kung saan? Syempre Enchanted Kingdom! Tulad ng binabanggit ko sa mga talks ko, I have fear in hights, lalo na pag steady tulad ng tulay, tower, roorftop, and ferry’s wheel (ng enchanted Kingdom dahil mabagal lang siya, pahinto-hinto). Pero my date during that time ask me…

“Ferris Wheel naman tayo”

Kakatapos lang naming sa EKstrem Tower ride, at masakit na experience, pero wala akong nagawa kung hindi ang mag tapang-tapangan.

“Sige saan bay un?”

So pumila na kami, namamawis na ang paa ko at palad ko, pero syempre hindi alam ni girl, baka kasi ma-turn off siya. Inisip ko na lang perfect timing na ito, sa taas ako magtatanong kung pwede ko na ba siyang maging girlfriend officially.
Sumakay na kami, at grabe ang kabog ng dibdib ko… nagmumura ang isip ko nun…kamatayan ko na!!! Pero napalitan agad yun ng excitement, sabi ko sa sarili ko this is the moment, umikot na ang Ferris Wheel… bandang 5:30 ng hapon na kami sumakay so nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Pag dating sa dulo, medyo umambon pa at lumamig ang hangin… at eto pa ang panalo… may background song pa…
“Ako'y alipin mo kahit hindi alam
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana at iyong nariring
Sayong yakap ako'y nasasabik”

Hinawakan ko yung kamay niya…

“Alam ko masyado atang mabilis, and I am not expecting na positive ang sagot mo” Pero ang totoo, asang-asa na ako nun.

“Can you be my girlfriend” pabulong pero buong lakas ng loob kong sinabi… sa tuktok ng 130ft na Ferris Wheel ng Enchanted Kingdom.

Tumitig siya sa akin… lumungkot ang mata na parang nalilito (o gusto ako itulak?), nagkibit balikat siya at sinabi sa akin…

“Hindi pa ako ready”

BOOM! Busted si kolokoy! Umuwi kami ng hindi nag-uusap, sumakay siya ng bus pauwi nang hindi na ako nilingon… after nun hindi na kami nagkita. Well pag kinukwneto ko siya nakakatuwa na lang isipin, pero ang totoo… matured na ako nun, in the right age, pero sa edad din na ayaw mapahiya at ma-reject. Depressing… pero yun talaga sa pag-ibig handa ka dapat malugi o tumubo.

So what?
From my real life story, allow me to share some practical principles in entrepreneurship, or as a person pursuing your dream or passion… you need to take the risk. CORMENTIS Co. started by taking the risk, leaving my comfort zone of sure 15th and 30th pay check every month, I have a clear vision but no clue kung gaano ba kasakit masktan pag may mga failures na ma-e-encounter. Not to mention yung remarks ng ibang tao na alam kong hindi naniniwala sa negosyong itatayo ko, they are trying to show me na naiintindihan nila an gang desdisyon ko na iwan ang pagiging empleyado para magtayo ng sarili kong company. Pera, pawis, pride, sleepless nights at maraming kape ang puhunan, but today CORMENTIS Co, is making her own name in soft skills training. Malayo pa siguro sa ibang company, pero sobrang layo niya din noong nagsisimula pa lang kami sa consultancy and training business. Today I am getting more than my salary before noong empleyado pa ako, dati ako ang sumusweldo, ngayon ako na ang nagpapasweldo, plus I have my own time to play… kaya I can do speaking engagements, marketing and training consultancy job on the side. Everything germinated and still growing because of the risk I took a year ago.

The F.O.L.L.Y. principle
Here are the principles which I believe I have with me why CORMENTIS Co. is growing on her own realm and game… my FOLLY principle. Yes sometimes you have to think crazy to start building you dream.

F-fearless. Stop procrastinating… get out of the box, jump, take the risk. Walang mangyayari kung puro pangarao lang at plano… ikwento mo na lang yan sa pagong ika nga, dahil hindi mangyayari yan kung hindi mo sisimulan. Yes, bad things will happen, like in CORMENTIS Co. marami kaming seminars and trainings na hindi napansin ng gusto naming audience. But because I made it clear to my mind na ginagawa koi to para sa pamilya ko, and I love this…what I am doing is really me, no reason for me to quit. Today little by little, because of my fearless decision to jump in the uncertain world of entrepreneurship, but with clear vision in my mind… I am harvesting the fruits of my labor. There’s ecstasy after the agony.

O-optimistic. Maraming tao ang may maling perception sa salitang optimism, being optimistic is not a magic formula na pag ginawa mo ay wala nang magyayaring hindi maganda. There are inevitable things that are beyond of our control and if this occur will that optimism spirit will save you? Positive thinking without action is useless, optimism without acknowledging the negative things that may occur is laziness. So, when you take the risk, be optimistic, and to be optimistic start by looking at the negative things that may hinder your success… then plan to avoid it.

L-level your dream. When you set the goal, you must have a clear plan, specific and detailed. You must know the level of your dream if it is doable and humanly possible. Huwag mangarap ng gising ikaw nga, one at a time, I have heard participants of my seminars nap ag tinatanong ko kung ano ang pangarap nila… most often than not they cannot give me exact and clear answer. Have your self-inventory, what do you really want to achieve? When? How? With? How much?

L-love it. You cannot succeed if you don’t love what you are doing. If you are doing business for money alone or above anything else? Forget about it… you are near to failure or if not you compromise a good place in heaven. Can you give the talent you have for FREE? Can you perform for free in the name of charity? Can you delay gratification making designs for free just to build your portfolio and showcase your talent? Can you be a keynote speaker free of charge for a non-profit organization? Well believe me or not, I talked, share, and empower people for more than five without a professional fee. In fact some of my speaking engagements are free. Folly right? Because I love it, and I can assure you when you SERVE first before you EARN….you’ll reap what you sow later on, more than what you have expected.

Y-Yield to God. Gaano man kalaki o katagumpay ang business or negosyo mo, kung lahat ng ito ay para lamang sa sarili nating kapakanan…you are building your house in the wrong lot. At the end of the day, yung ginagawa ba natin will help other people to see and to feel that God exist? Do we help and do something to create a better world?

Whatever you do, work at it with all your heart, as working for the Lord, not for human masters, since you know that you will receive an inheritance from the Lord as a reward. It is the Lord Christ you are serving.
Colossians 3:23-24

Happy Valentine’s Day!

Photo Credit: www.pinterest.com 


Friday, February 10, 2017

TAMA SI "JOLLIBEE"

Photo Credit: http://whatisindavaocity.blogspot.com
Sa tisyu nagsimula
Hindi kami mayaman, 40 pesos lang ang baon ko noong high school… 25 pesos na hotdog at fried rice pwede na  may libre pang sabaw. Pag gusto mo namang mag- merienda 15 pesos na siopao at zesto swak na… pero ang sigurado maglalakad na ako pauwi noon mula Rizal High School hanggang Santo Tomas. Opo, isa ako sa mga batang 90’s na hindi kayang makipagsabayan sa pagpunta sa SM Megamall o Robinson’s Galleria dahil hindi aarok ang baon ko. Wala akong pang regalo na matino pag may gusto akong ligawan or wala akong pang date noong high school kung meron akong gustong yayain manood ng sine. Ako si dinadaan na lang sa tula, creativity at kung anong pakulo para lang mapakilig si crush o nililigawan… na-enjoy ko pa din naman ang High School life dahil dun. At totoo bahagi si Jollibee ng pagkabata dahil siya ang iniisip ko pag nagsisimba kami, pero totoo din na bahagi siya ng mga kwentong walang forever. Salamat sa mga tissue ng Jollibee na ginawa kong stationery paper (meron pa ba nun ngayon?) para sabihin ang mga hindi ko masabi sa ultimate crush ko noon. Guess what??? Sinagot niya ako ng hindi ko na kinakailangan bumili ng tsokolate or bulaklak, kapogian ko lang (hahahahaha) at mala Rizal na pananalita na itinitik sa tisyu ng Jollibee sapat na!
Ang sumpa? 
Pero may sumpa nga ba si Jollibee? Sana wala (hahaha), syempre I am thinking na mag-effort naman, gumawa ng iba tutal College na ako at tumaas na ang baon ko, from 40pesos to 80pesos, o diba??? Panalo! May kakayahan na ako sumali ng paluwagan para sa wakas mai-date ko na ang long-time GF ko during that time. Superman Returns, naku! Adik na adik ako kay Superman, at alam ko paborito niya din yun… so I believe it’s about time na manood na kami ng sine. Imagine higit 1 year na ang relationship naming pero never pa kaming nanood ng sine. At dumating na ang panahon, sumahod na ako sa pasikipan este paluwagan, at may pang SM Megamall na ako, manood ng sine at Jollibee syempre after manoond. Guess what happen next? At the end of the day, walang GF na nagpakita, na indyan ako… at no choice nanood ako ng sine mag-isa, ang paborito kong Superman, pinapanood ko ng nangingilid ang luha ko at tuluyan na ngang pumatak! After nun, hindi rin nagtagal natanggap ko na ang text na pinakamalupet! Na “Baste Zone” ako, break-up through text! (sigh) Nagtatanong tuloy ako, pangit ba ako??? Kapalit-palit ba ako??? Pero buti na lang di ko na tinanong… alam ko na ang sagot malamang.
The point is
What is my point? Why do I need to share this? Sad and dreadful things are inevitable, hindi mo hawak ang feeling ng iba at may mga sitwasyon na hindi mo kontrolado. Sa mga nagtatanong, kung bakit kailangan mawala sayo ang taong pinakamamahal, bakit ka niya iniwan? Pero, hindi lang sa love life ito eh, you might be asking din kung bakit sa dinami-dami ng tao ikaw pa ang may cancer or ikaw pa ang nawalang ng trabaho, namatayan ng mahal sa buhay. Let me tell you this! Kahit gaano ka kabait or kabuti, darating ang kabiguan… pero ang sigurado kung magpapatuloy ka… bukas hihilom din ang sakit, choice mo nga lang yan kung gusto mong mag-move on or hindi. Ika nga ni Bo Sanchez, “your past will not define your future” man-up, bangon and move forward! Wag na maging bitter sa kaniya, sa kanila, or sa buhay. Hindi ko alam ang purpose ng Diyos kung bakit nangyayari yan, definitely may specific purpose siya for you… at malamang hindi natin kaya maintindihan dahil Diyos ang nagplano eh, masyadong malawak ang isip ng Diyos para maunawaan natin, pero ang sigurado at the end of the day… kung gugustuhin mo you will discover this wonderful plan of God.
One Thing is Certain
If there is certain, pag nalagpasan mo yan… God wants you to be His living message, your bitter experiences could be a great message to inspire other people, your friend, classmates, and officemates, anyone around you or maybe you can inspire hundreds, thousands, or even millions of people because you tell these people that there is always a rainbow after the rain. You are a living testament that there is ecstasy after the agony, regardless how big or small your audience is, but as long as you are inspiring hopeless, bitter and doubting people through your story… well dude you are making this world a better place. Look, today I am happily married to my beautiful wife, niregaluhan pa kami ng Diyos ng isang cute na cute na anghel… our Maria Iohannes… buti na lang hindi ako tumalon sa Megamall or nagpasagasa sa MRT noong mga oras na baliw ako sap ag-ibig.
So please… wipe your tears, tama na ang pagmumukmok, harapin ang problema… and be a living proof to the world na may naghihintay na tagumpay sa bawat taong nabibigo.
For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.Jeremiah 29:11
Opo may FOREVER.