Friday, February 10, 2017

TAMA SI "JOLLIBEE"

Photo Credit: http://whatisindavaocity.blogspot.com
Sa tisyu nagsimula
Hindi kami mayaman, 40 pesos lang ang baon ko noong high school… 25 pesos na hotdog at fried rice pwede na  may libre pang sabaw. Pag gusto mo namang mag- merienda 15 pesos na siopao at zesto swak na… pero ang sigurado maglalakad na ako pauwi noon mula Rizal High School hanggang Santo Tomas. Opo, isa ako sa mga batang 90’s na hindi kayang makipagsabayan sa pagpunta sa SM Megamall o Robinson’s Galleria dahil hindi aarok ang baon ko. Wala akong pang regalo na matino pag may gusto akong ligawan or wala akong pang date noong high school kung meron akong gustong yayain manood ng sine. Ako si dinadaan na lang sa tula, creativity at kung anong pakulo para lang mapakilig si crush o nililigawan… na-enjoy ko pa din naman ang High School life dahil dun. At totoo bahagi si Jollibee ng pagkabata dahil siya ang iniisip ko pag nagsisimba kami, pero totoo din na bahagi siya ng mga kwentong walang forever. Salamat sa mga tissue ng Jollibee na ginawa kong stationery paper (meron pa ba nun ngayon?) para sabihin ang mga hindi ko masabi sa ultimate crush ko noon. Guess what??? Sinagot niya ako ng hindi ko na kinakailangan bumili ng tsokolate or bulaklak, kapogian ko lang (hahahahaha) at mala Rizal na pananalita na itinitik sa tisyu ng Jollibee sapat na!
Ang sumpa? 
Pero may sumpa nga ba si Jollibee? Sana wala (hahaha), syempre I am thinking na mag-effort naman, gumawa ng iba tutal College na ako at tumaas na ang baon ko, from 40pesos to 80pesos, o diba??? Panalo! May kakayahan na ako sumali ng paluwagan para sa wakas mai-date ko na ang long-time GF ko during that time. Superman Returns, naku! Adik na adik ako kay Superman, at alam ko paborito niya din yun… so I believe it’s about time na manood na kami ng sine. Imagine higit 1 year na ang relationship naming pero never pa kaming nanood ng sine. At dumating na ang panahon, sumahod na ako sa pasikipan este paluwagan, at may pang SM Megamall na ako, manood ng sine at Jollibee syempre after manoond. Guess what happen next? At the end of the day, walang GF na nagpakita, na indyan ako… at no choice nanood ako ng sine mag-isa, ang paborito kong Superman, pinapanood ko ng nangingilid ang luha ko at tuluyan na ngang pumatak! After nun, hindi rin nagtagal natanggap ko na ang text na pinakamalupet! Na “Baste Zone” ako, break-up through text! (sigh) Nagtatanong tuloy ako, pangit ba ako??? Kapalit-palit ba ako??? Pero buti na lang di ko na tinanong… alam ko na ang sagot malamang.
The point is
What is my point? Why do I need to share this? Sad and dreadful things are inevitable, hindi mo hawak ang feeling ng iba at may mga sitwasyon na hindi mo kontrolado. Sa mga nagtatanong, kung bakit kailangan mawala sayo ang taong pinakamamahal, bakit ka niya iniwan? Pero, hindi lang sa love life ito eh, you might be asking din kung bakit sa dinami-dami ng tao ikaw pa ang may cancer or ikaw pa ang nawalang ng trabaho, namatayan ng mahal sa buhay. Let me tell you this! Kahit gaano ka kabait or kabuti, darating ang kabiguan… pero ang sigurado kung magpapatuloy ka… bukas hihilom din ang sakit, choice mo nga lang yan kung gusto mong mag-move on or hindi. Ika nga ni Bo Sanchez, “your past will not define your future” man-up, bangon and move forward! Wag na maging bitter sa kaniya, sa kanila, or sa buhay. Hindi ko alam ang purpose ng Diyos kung bakit nangyayari yan, definitely may specific purpose siya for you… at malamang hindi natin kaya maintindihan dahil Diyos ang nagplano eh, masyadong malawak ang isip ng Diyos para maunawaan natin, pero ang sigurado at the end of the day… kung gugustuhin mo you will discover this wonderful plan of God.
One Thing is Certain
If there is certain, pag nalagpasan mo yan… God wants you to be His living message, your bitter experiences could be a great message to inspire other people, your friend, classmates, and officemates, anyone around you or maybe you can inspire hundreds, thousands, or even millions of people because you tell these people that there is always a rainbow after the rain. You are a living testament that there is ecstasy after the agony, regardless how big or small your audience is, but as long as you are inspiring hopeless, bitter and doubting people through your story… well dude you are making this world a better place. Look, today I am happily married to my beautiful wife, niregaluhan pa kami ng Diyos ng isang cute na cute na anghel… our Maria Iohannes… buti na lang hindi ako tumalon sa Megamall or nagpasagasa sa MRT noong mga oras na baliw ako sap ag-ibig.
So please… wipe your tears, tama na ang pagmumukmok, harapin ang problema… and be a living proof to the world na may naghihintay na tagumpay sa bawat taong nabibigo.
For I know the plans I have for you,” declares the LORD, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.Jeremiah 29:11
Opo may FOREVER.




No comments:

Post a Comment