Sunday, December 31, 2017

PAANO MAG MOVE-ON NGAYONG 2018: No. 1 Mag move on sa love life mo (Move on Series)


Source: http://www.bbc.com/news/health-42506706
New year’s resolution? Bukong buko na natin yan, marami sa atin sa totoo lang hindi natutupad ang new year’s resolution. Bakit kamo? Kasi siguro naiisip lang natin ang new year’s resolution natin tuwing December 31, pero sa loob ng 11 months hindi namann talaga uso ang new year’s resolution. So paano ba talaga magkaroon ng isang effective na resolution ngayong bagong taon? Well the bad news is kung ngayon mo lang naisip yang pagbabago na yan, wag mong asahan or maliit ang chance na mabago mo talaga ang isang panget na habit. Pero ang good news ngayon pa lang pwede mo nang simulan ang steps para sa isang genuine na new year’s resolution. Besides, araw-araw pwede mong simulan ang pagbabago na gusto mo… paano? Well kailangan mo munang mag MOVE ON! Tama, tunog pang February 14 pero yan ang kailangan natin, lahat ng gusto nating baguhin kung nasa isip lamang natin ito ay walang mangyayari… drawing at pawang keme lang ang lahat. Kaya ngayong January, bibigyan natin ng pansin ang mga bagay na dapat mag MOVE ON na tayo… para ma achieve na natin ang isang totoong pagbabago sa buhay mo ngayong 2018. 

#1 MAG MOVE ON SA LOVE LIFE! 

Yes! Maraming bitter noong nakaraang Christmas, marami ang mga self-proclaim member ng SMP, Samahana ng Malalaming ang Pasko. And for sure madami din ang itinaga sa bato (kasabay ng mga fireworks at budotz na patugtog ng kapit bahay) ang new year’s resolution na KAKALIMUTAN KO NA SIYA.  Nakakatawa at cheesy, pero may mga kapatid tayo na talagang sawi at bad trip ang 2017 dahil sa mapapait na alaala. Una at ang realidad hindi mo siya kayang kalimutan, maliban na lamang kung magka amnesia ka… kaya kung ang goal mo ay tuluyan mo siyang makalimutan nagsasayang ka ng oras. Dahil ang totoo mundo mo siya, kadalasan nga sa lahat ng desisyon mo ay kasama at katuwang mo siya… in short nasanay ka na kasing kasama mo siya sa lahat ng bagay. If you are really serious in forgetting him/her and you are saying na this is your new year’s resolution? All you have to do first is to MOVE ON. Every relationship is unique, at dahil unique there are no exact steps on how to move on, and I think people who are telling a step by step way on how to move-on, failed to consider the uniqueness of every relationship… hindi natin alam kung gaano kalalim ang pagmamahalan at gaano din kalalim ang sugat na nagawa nito. So allow me instead to give principles in moving on, particularly sa bitter na love life mo.

1. REFILL YOUR LOVE TANK. I really love the idea of “LOVE TANK” which I first heard to Bo Sanchez, you cannot give what you don’t have… and how you can love if your love tank is empty. So you have to fill your love tank para you can share this love to others. Ang problema siguro we forgot to refill this tank or nagmahal tayo ng empty. If we let other people to fill that emptiness you’ll find yourself at the end of the day disappointed and wounded. You will love and please people at the same time, at napakahirap nun, kasi baka hindi na pala genuine ang actions mo pero gusto mo lang talagang i-please ang isang tao. The first principle in moving on actually is telling you that we have an unlimited source of LOVE. Hindi siya nauubusan, kaya kung nauubusan ka ng pag-ibig dahil sa tingin mo ay naitatapon mo siya sa maling tao… dude let me tell you this, unless you see and discover this source of love mahihirapan ka talaga mag-move on.

“We love because he first loved us” 1 John 4:19

Noong mga panahon na pakiramdam ko ay nag-iisa ako and when I realized that a BIG GOD is loving me… nasabi ko sa sarili ko, bakit ako manghihina at maghahanap pa ng pagmamahal ng iba. This alone and His grace would definitely heal your heart. I remember when I had my first ever dreadful break up…. I went to the Church uttering nothing, just crying… and years later I found myself so in love to Jesus serving him as full time lay missionary for two years. By then I realized I moved on already. 

2. PRUNING FOR GROWTH. Nakakita ka na ba ng puno ng mangga na hindi tumutubo o lumalaki? At nang putulin at tagpasin ang mga sanga nito, at kung makakasigaw lang siguro ang puno masasabi nito kung gaano kasakit ang matanggalan ng sanga… na maaring nasanay na ang puno na palagi siyang nakikita. Pero hindi magtatagal, pagkatapos niyang matagpas at mawalan ng mga sanga tutubo itong muli ng mas malago at mabunga. As I am always saying, bad things will happen to you this is regardless of how much effort you have exerted into a relationship… still turbulence will happen at ang malala nga nito magkakahiwalay kayo. Pero bakit ba nasasaktan ang tao? I remember when Thomas Wayne asked the young Bruce Wayne (Batman to be); Why do we fall Bruce? So that we can learn to pick ourselves up. This is certainly true, tough thing would make you stronger and wiser. Having this kind of mindset would definitely give someone a chance to take advantage of the pain and convert this as his/her driving force to learn and grow. In short, matuto ka at bumangon… wag kang magmukmok… sayang ang pagkakataon. 

3. TAKE IT EASY. Wag ka masyadong magmadali. First, sa pagkakaroon ng bagong love life ngayon 2017 and second na makapag-move on sa ex mo. Sometimes we are too immature and driven by our emotions na kadalasan nagiging bunga ng pag-aaway or hindi pagkakaunawaan. Because of this tinatapon mo ang masasayang alaala na binuo at ginawa ninyong dalawa. Being too emotional is futile and you might find yourself at the end of the full of regrets dahil iniwan mo ang boyfriend or girlfriend mo sa bagay na pwede pa sanang ayusin. So kapatid you take it slow, remember walang perpektong couple lahat ay dumadaan sa problema at maraming misteryosong pangyayari na ang isang relasyon na nasira ay naaayos pa. At kung di naman maayos, soon you’ll fall in the right place and in the right time dahil hindi ka nagmadali.

4. DON NOT BADMOUTH OR PRAISE YOUR EX. Yes, tama ka sa nabasa mo. For one simple reason, the more you are letting his memories in your consciousness all the more na mananatili ito sa iyo… to the point na hindi mo namamalayan na wala kang bukang bibig kundi siya. If you are praising your ex in public too often would not really help, it makes you cheap at least in the eyes of other people (sabihin hahabol habol ka pa din) or nagpapaka masokista ka at nagugustuhan mong sinasaktan ang sarili mo. Folks, look around you, there are so many things which are worthy to be praised and to be thankful of course. Get rid of her kapogian/kagandahan and try to appreciate other things instead… he/she is not your world anymore, at the very first place di mo siya dapat ginawang mundo. 

Pero mas hindi magandang magkwento ka ng masama tungkol sa ex mo.Well this is for your future, walang relationship ang perpekto may mga pagkakataon talaga na hindi kayo magkakasundo. Mga issue ng disposition sa buhay, financial issues, goals and family and these issues are serious issues na dapat inaayos niyong dalawa. However, if the relationship did work out, never tell other people na yung ex mo kasi “walang disposition” or “walang ipon at wala kang future” or “inuuna ang Nanay niya or family niya kesa sayo” ang mga bagay na ito ay masyadong personal at dapat respetohin. Bakit ito hindi makakaganda sayo para pag momove on mo? Una pag nagtanim ka nga ampalaya aani ka ng ampalaya, you’ll be a bitter person at source ka ng ka negahan (ayaw mo nun for sure), and I’ll rather be a source of hope than a source of negative things. Second, a guy or a gal who is supposed to be falling in love with you pero nagadadalawang isip siya… kasi kung nagawa mong mag badmouth sa ex mo, gagawin niya din ba sa akin yun? Considering na walang perfect relationship. 

5. GO BACK TO YOUR FAMILY. A sarcastic person would say how can someone fill up his/her love tank? Would there be a refilling station where God’s love is available? The answer is YES, and it is your family, before anyone else in your life it is your family who showed you first the real meaning of “true love” Minsan naghahanap tayo ng pagmamahal sa iba’t ibang tao pero ang pamillya siya and gingamit na paraan ng Diyos upang maging isa sa mga buhay na daluyan ng kaniyang pag-ibig. I am sure you have heard a lot of stories na pagkatapos mabigo sa pag-ibig pamilya niya ang yayakap at tatanggap sa kaniya ng buong buo. A great example is the story of the prodigal son (actually it is the parable of a forgiving father), like the prodigal son sometimes dahil sa akala natin natagpuan na natin ang true love na hinahanap natin, nababalewala natin ang mga mahal natin sa buhay. Nang magsimula kayong bumuo ng bagong pangarap gumawa na din kayo ng sariling mundo. Well sa taong magkarelasyon tama ang mangarap pero may mali ata sa pag-gawa ng literal na “sariling mundo” to the point na pati ang mga kapamilya at kaibigan ay nalimutan niyo na. Do you feel alone and empty at mahirap mag move on? Hey dude! Go home and hug you mom… you’ll feel “shocks may true love pa pala ako.” 

Of course family is not always the biological family, nandyan ang “good barkada” na kinalimutan mo dahil sa pag ibig. Go back at makipabaliwan ka sa kanila… marerealize mo “anak ng tokwa” mahal pala ako ng mga kaibigan kong ito. 

Move on, hindi madali at uulitin ko walang perfect steps pag dating sa pag momove on sa nasawing pag-ibig. But there are principles that might help you to move on and once and for all to really get rid of your ex’s memory as a New Year resolution will finally come true. 

Saturday, December 23, 2017

CHEESY KA BA?

https://www.spreadshirt.com/
Hindi ako mahilig sa cheese, pero may mga pagkain na hindi ka masasarapan pag walang cheese. Imagine ang jolly spaghetti na walang cheese? Hindi ba’t mas special ang pichi-pichi pag may naka budbod na keso? Nakatikim ka na ba ng pizza na puro tomato sauce lang, para ka sigurong kumain ng tinapay na pinalamanan ng ketchup. May nakainan pa nga akong restaurant na binudburan ng cheese ang beef kaldereta, naku mapapa “aw” ka sa sarap. Hindi natin maitatanggi may mga bagay na mas may kabuluhan at mas masarap pag may cheese. 

Bakit ko ba na-mention ang kahalagahan ng cheese? Naisip ko lang kasi sa pangangarap mas may kabuluhan kapag may cheese. I remember when I became a part of a National Debate competition, I mentioned about the protection of life, liberty and property someone coming from the other team interjected. Sabi niya “that’s cheesy” sabay tawa, yung tawang alam mong sarcastic. I just realized, anong corny at nakakatawa sa garantiya ng Saligang Batas para maprotektahan ang buhay, kalayaan at ari-arian ng isang tao. Naalala ko tuloy noong nagtuturo pa ako ng Philippine History, nag effort akong umisip ng mga bagong paraan para ituro  ang subject na history. Bukod sa maraming inaantok sa subject na ito konti na din talaga sa kabataan natin ang nagbibigay halaga sa kasaysayan. Pero ang mas challenging paano ko ba maitatawid ang mensahe ng kasaysayan sa kasalukuyang panahon. A slogan pop into my brain, sabi ko sa sarili ko and I shared this too to my students and encourage them to make this as their status in Facebook;

“Hindi corny ang maging makabayan”

Hindi cheesy ang maging makabayan, hindi corny na minsan sa buhay natin mag-isip tayo ng mga bagay na ikabubuti ng ating kapwa. Nowadays, the young generation is bombarded by the notion of they are great inside, that they are unique, and they are talented, that they just need to unleash itong natatagong greatness or talent na ito, maniwala sa sariling kakayahan definitely you’ll be on the top. Hindi ito mali, totoo na you are great, that you are talented and unique, na dapat maniwala ka sa kakayahan mo pero what is futile is when you stop on the idea of “individual success.” Naniniwala ako na mas may kabuluhan ang pagtatagumpay kung maibabahagi mo ang tagumpay na ito sa iba… sa pamilya, sa bayan at higit sa lahat sa Diyos.

Posible at hindi cheesy at maari mo nang simulant ngayon. Paano? Let’s begin in ourselves, we cannot be of help kung tayo mismo ay hindi makabayan. When you do things which seems “makabayan” or “makatao” pero ang totoo, hindi mo alam ang malalim na dahilan kung bakit ba kailangan mong mag outreach program or mag scholar ng isang mahirap, or mag conduct ng isang livelihood or financial literacy seminar/program… ang lahat ay pawang pang picture taking lamang. I call it sometimes “picture taking leadership.” Again how do we start? Here are some of my tips which actually inspired by Justice Marvic Leonen of the Supreme Court, and I call it BRAVE

1. Be socially aware
Kailan niyo ba pinag-uusapang magbabarkada ang human rights issue o ang posisyon ni Duterte pagdating sa foreign relation or same sex marriage. Madalas sa magbabarkada napag-uusapan na lang ito pag naka tatlong mucho na ng Red Horse or naka ubos na ng isang long neck ng “empi.” Wag ka English pa ang kwentuhan natin niya, maya maya may susuka na at yung iba umiiyak at nagdrama na. Nakakaungkot lang minsan naiiwan ang mga ganitong diskusyon sa inuman or sa usapan niyo ni Manong Driver, to think na may interes din tayo sa mga usapang ito ibig sabihin natural sa atin ang makialam pa din sa pangyayari sa lipunan. Paano nga maging aware? 3 Ms lang, magbasa, manood, at makinig, sa pamamagitan nito magiging aware tayo sa mga issue na kinkaharap ng lipunan. Pero may isang M pa pala, magmasid, kung minsan tumingin ka lang sa paligid makikita mo nga na may kailangan kang gawin para sa kapwa mo. May mainit ngayon na issue tungkol sa isang motorista na nanampal ng isang matandang taxi driver, doon may mga taong literal na nagmasid… pag nagmasid umaksyon hindi kunan ng video.

2. Radical
Ang pagiging radical ay hindi nangangailangan na meron kang political affiliation or sumapi sa isang radical o extremist na pagkilos laban sa gobyerno o sa anomang sangay ng gobyerno. Ang pagiging radical ay ang pagiging consistent sa pinaninindigang issue na panglipunan, ang pagkilos para dito at hindi pang picture taking lang. May mga organization, company through their CSR, at maging mga individuals na may mga magagandang proyekto laban sa malnutrition, gender development, environmental protection at kung ano-ano pa, pero ang nakakalungkot marami din sa kanila ang hanggang launching at promotion lang. Maging radical, kumilos ng may consistency at paninindigan, maari mo itong masimulan sa pamilya, paaralan at maging sa inyong barangay.

3.Altruistic
Sa madaling salita wag kang “selfish.” Being altruistic is not only moral but as well practical and economical. Before business or pursuing your career is a matter of fulfilling your own dream or to gain profit out of your investment. Today at least in the macro perspective recognizing the importance of the other sector in the ecosystem is a trend, and this would help someone to survive in the market. Anyways, nothing wrong in helping other people right? An idea no matter how noble it is would be useless if we failed to help other people.

4. Be the Voice of Truth and Justice
Kamakailan lang nabalita na patay ni si Jackie Chan at Shaina Magdayao, and people sharing this link to their Facebook account with “crying” emoji. Pero mas matindi yung nag comment ng “amen” or “RIP Lodi.” Nagkalat ang fake news sa social media, at ang totoo hindi siya nakakatulong instead it makes the people rage sa paniniwalang tama ang nabasa niyang news article. Dan Kennedy is correct, when you make your content in a newsletter form mas madali siyang paniniwalaan, mas may authority at mas maniniwala ang prospect buy a certain product. Pero it does not mean that the content must be false, a lie or a half-truth for the sake of getting people to believe you. Wag tayong maging bahagi ng kasinungalingan, magsuri at pawang katotohanan lamang ang i-share natin sa ating mga social media accounts. 

5. Empower
Last but not the least; make a positive impact to other people. One way of doing this is by sharing your patriotic and altruistic ideas, the other one is by letting other people that you walk your talk. My mentor once told me “bakit ang tao pag may mga bagay na mabubuti ikinakahiyang i-share o ipakita, pero minsan kung ano pa ang nakakahiya at hindi maganda yun pa ang pinagmamayabang.” At kung ganito tayo we become a negative influencer to others and at the end of the day hindi tayo nakatulong.

Be BRAVE, hindi corny ang maging makabayan… put some cheese to your dreams and goals in life. Make it more meaningful. The great Zig Ziglar said in his book "see you at the top" well I think in today's situation, one cannot be on the top alone, whether he help other people or he need people to help him. The point is we can be together REACHING THE TOP. 


Monday, November 6, 2017

BUSINESS/MARKETING PERSPECTIVE VS. STANDARD (A Grab experience reflection)

Dahil galing ako sa isang company na nagbibigay ng Defensive Driving Training/Program, bilang isang training officer at consultant, nasanay na ako na tuwing sasakay ng sasakyan automatic na magsusuot agad ako ng seat belt. Ayon sa National Safety Council, more or less 50% ang survival rate ng isang taong naka- seat belt kung ang sasakyang sinasakyan nito ay ma-involve sa isang collision o aksidente. According to Philippine Statistics Authority there are 10, 012 road accident deaths in 2015 significantly high compared to year 2006 with 6,869 road accident deaths. More than 500 children died every year dahil na din sa aksidente sa kalsada.
Kumpara nga naman sa pagsakay sa jeep lalo na sa mga “patok” na byaheng Antipolo-Cubao at ang byaheng langit na mga bus papuntang Sucat at Alabang. Mas pinipili na nating mga mananakay ang grab at uber dahil nga na mas safe silang sakyan. Pero hindi pa din tiyak ang kaligtasan, kinakailangan na may kaalaman at kakayahan ang mga driver, mananakay at maging ang mga operators para masiguro na ligtas ang byahe. Kung ang nakasalalay ay kaligtasan ng mga customer naniniwala ako sa prinsipyo na una kong narinig kay Zig Ziglar, ayon sa kaniya pagadating sa pagnenegosyo dapat “serve first, earn later.” Ito marahil ang pinakamagandang marketing strategy at puhunan sa isang negosyo, kapag pinadama mo sa customer mo na hindi lamang siya pinagkakakitaan kundi higit sa lahat tinutulungan mo pa siya. Bakit ko ito naisip? Allow me to share my experience sa isang grab driver na hindi ko na lamang babanggitin ang pangalan. 
Galing kaming Sampaloc Manila, kasama ko si Mina (my wife) at ang 2 years old naming anak na si Yaniz. Madami kaming dalang toys at chocolates na pasalubong ng Tita niya at dahil bukod sa ayaw kong ma-stress si baby sa byahe, nag book kami ng grab dahil sa dami ng dala namin. Pagsakay namin sa Wigo tulad ng nakagawian nagsuot agad ako ng seatbelt. Dahil mas kmportbale nga nag lean ako ng upuan at ipinikit ang mata at di nga nagtagal nakaidlip na ako. Nagising na lamang ako ng kalabitin ako ni Mina at ibulong sa akin na inaantok ang driver. Hindi na ako natulog, nakipagkwentuhan na lang ako kay Mina ng malakas ang boses para mawala ang antok ng driver. Nagbanggit na din ako ng mga isyung political baka sakaling sumali si kuya sa usapan pero wala pa ding effect. Sa Pureza pa lang napapansin ko na nabibitawan na ng paa niya ang accelerator, pag dating sa Stop and Shop (Sta Mesa) jerky na ang takbo namin. Walang traffic masyado dahil pista opisyal kaya pagdating sa Baltao going Lourdes Hospital medyo bumilis ang takbo niya pero nawawala na siya sas linya. Pagdating naman sa traffic light na delay kami ng ilang segundo bago siya umandar dahil nga sa naka-idlip na siya. May mga pagkakataon pa na kinukurot niya ang sarili para lang magising. Sa pagkakataong ito humingi ako ng isang Mars at M&M’s kay Mina at binigyan ko ang driver. Binuksan ko ito (M&M’s) at nagsalin sa kamay ng driver

“Kuya pangpawala ng antok.” 

Nagpasalamat siya sabay hingi ng pasensya, nawala na ang kaba ko dahil nakita ko na lumaki na ang mata ni Kuya, at maya't maya kung sumusubo ng M&M’s. Bago bumaba pinaalahanan namin ang kawawang driver na magpahinga at mag-iingat sa byahe.

In safety we cannot take chances… pag nabundol na ang sasakyan hindi na natin sigurado ang mangyayari. Gusto nating kumita, pero higit sa lahat siguraduhin natin na nakakarating ng ligtas at may tamang serbisyo sa customer o mananakay. Service above profit lalo na sa industriyang nagbibigay serbisyo tulad ng mga Transport Network Vehicle (TNV), PUVs, Marine Vessels, Hospital (private man o public) at iba pang serbisyo. Hindi ko kabisado ang scheme ng Grab o Uber, pero ang alam ko may hinahabol silang number ng byahe para magka-incentive. Pero siguro dapat may programa o polisiya ang mga kompanyang ito sa pangunguna na din ng LTFRB at LTO para masiguro na ang mga driver ay may sapat na tulog at pahinga. Ayon sa International Labor Office, Geneva “Fatigue causes a loss of alertness in a driver, which is accompanied by poor judgment, slower reaction time and decreased skill levels. In addition, a driver’s ability to concentrate and make critical decisions is reduced, and it takes longer to interpret and understand a traffic situation.” Hence, Filipino drivers must be empowered on how to manage their working time, and this is possible if all the stakeholders will take fatigue mitigation and management seriously.
Hindi dapat nakokompromiso ang standard para lamang sa profit at isang market-driven perspective. Sa panahon ngayon ang ganitong perspektibo ay hindi na epektibo at maituturing na isang self-distraction. Ikumpara na lang natin ang posibleng kitain ng pribadong kompanya at ng gobyerno sa posibleng pagkawala/pagkasira ng ari-arian, injuries, delay sa komersyo at kalakalan and most of all the fatalities.
The truth is marketing, morality, and standard can work together… you just need to look  at it (the business or career) in a different perspective. Stop pursuing for profit or money. Serve and be firm with your standards… success and the rest will follow. In a simple word I call this integrity.

Thursday, October 12, 2017

ANG FATIMA AT ANG AMING MARIA (A Story of True Miracle of Fatima)


Una kong nalaman na may congenital heart defect si baby habang pauwi ako from Batangas. Madalas akong wala sa bahay dahil usually pinapupunta ako sa iba’t ibang Shell depot sa bansa. Most of the time nasa Batangas ako, at tuwing Sabado nagmamadali na akong umuwi dahil miss na miss ko na ang mag-ina ko. Pero that day napalitan yung excitement ko ng takot at awa, takot dahil hindi ko alam paano magdadala ng pamilya na meron may maselang sakit at sa maagang pagkakataon. Biro ko nga, ang aga naman ata sinubok ng Diyos ang pagiging magulang namin ni Mina. Awa para sa anak namin na hindi ko alam kung ano ba ng tunay niyang nararamdaman dahil sa sakit niya. 

Eventually through Maria’s pediatric cardiologist told us na si baby ay may Ventricular Septal Defect or VSD. May butas ang puso niya ng 3-5mm at lumalaki ang kaliwang bahagi ng puso niya. Maliit daw ang chance na magsara ang butas sa puso ni Maria dahil sa pwesto ng butas, maari daw na ma-operahan si baby kung hindi ito magsasara. Lumipas ang higit isang taon, pero hindi nangyari ang milagro na aming inaasahan. Hindi nagsasara ang butas sa puso ni baby, hanggang sa magdesisyong ang doctor niya na kailangan na talagang operahan at isara ang butas sa puso ni baby.

Syempre bilang ina kinabahan si Mina, ramdam ko ang takot niya pero bilang Ama kailangan kong lakasan ang loob ko. Paano na lang kami kung pareho kaming matatakot, kailangan may isang paghuhugutan ng lakas ng loob. Sa mga ganung pagkakataon wala ka na siguro talagang lalapitan kundi ang Diyos, higit naman sa lahat siya ang Dakilang Manggagamot. Kaya lagi kong sinasabi sa asawa ko, wag kang matakot may awa ang Diyos at gagaling din si baby at malalagpasan natin ito. Pumunta kami sa iba’t ibang simbahan Padri Pio, Santa Clara at Maging sa Kamay ni Hesus sa Quezon… umaasa sa milagro.

Isang Linggo bago dumating ang araw ng operasyon dumating dito sa Our Lady Fatima Parish, Mandaluyong ang replica ng Our Lady of Fatima Portugal dala ng World Apostolate of Fatima Philippines. Habang sumusunod sa convoy ng Birhen ng Fatima, habang nagmamaneho ako ay unti-unting pumapatak ang luha ko… sa lahat ng pinuntahan namin na simbahan, sa pagsunod sa Mahal na Birhen ng Fatima bumukal ang isang duwag, natatakot, at naninikluhod na panalangin.
“Panginoon, pagalingin niyo po ang anak ko”

Sa oras na yun hindi na paghingi ng panalangin ang nangyari, kundi itinuro ako ng Mahal na Birheng Maria kay Hesus… itinuro niya sa akin ang panalanging tunay at bukas sa puso. Tama nga sinabi ni St. Thomas Aquinas “As mariners are guided into port by the shining of a star, so Christians are guided to heaven by Mary.” Itunuro ako ng Mahal na Ina kay Hesus.

Madali lang palang sabihin na magpakatapang, pero nang nasa ospital na hindi na ako mapalagay, nag aalinlangan na din ako. Gusto ko nang iuwi ang anak namin at wag na lang ituloy ang operation, umiiyak na kaming mag-asawa lalo na nang mag 10 hours fasting si baby. Gutom na ang anak namin at wala nang tigil  sa pag iyak, pero wala kaming magawa dahil kailangan daw talaga yun bago operahan si baby. 

Habang inooperhan si baby sa Philippine Heart Center, wala kaming ginawa mag-asawa kundi ang mag dasal ng Santo Rosaryo tuwing lilipas ang isang oras. Wala kaming ibang kinapitan kundi ang Panginoon sa tulong at intersesyon ng Fatima. Hindi nagtagal pagkalipas ng anim na oras… nakita na namin si baby at ligtas niyang napagtagumpayan ang operasyon. 
The sign of Maria's courage

24 hours after the operation

One week after Maria's operation, during her follow check-up with her surgeon at Philippine Heart Center

Ngayon magdadalawang taon na si Maria Iohannes sa darating na ika- 13 ng Oktubre, sa araw ng kapistahan ng huling pagpapakita ang Mahal na Birhen sa Fatima. Hindi paghilom ng sugat o biglaang pag galing ang tunay na milagro ng Fatima tulad ng inaakala namin. Ang tunay na milgaro ng Fatima para sa amin ay ang muling papapalakas ng Grasya ng Pananampalataya naming mag-asawa, at magkaroon ng mapagkumbaba at lubos na pagtitiwala sa Diyos. 

Three months after Maria's Operation

The Our Lady of Fatima from Portugal


Viva Maria!

Viva Jesus! 

Friday, August 25, 2017

LIFE IS NOT PROVING WHO’S THE BEST


Defensive Pose: I was in Grade 2 when I became Section 1 at Mababang Paaralan ng San Miguel, Pasig City. 
Section Star to Non Dean’s Lister, Non-honor Student

Uso pa noon ang Section Star at hindi ako kabilang dun, section four ako noong Grade 1 sa Mababang Paaralan ng San Miguel. Buti na lang at hindi ako seloso at hindi kami pinalaki ng may inggitan sa pinaka paborito kong ate at nag-iisang kong kapatid. Nag-aral ako sa isang public school habang ang ate ko naman ay nag-aaral noong mga panahon na yun sa Angelicum College at paglipat namin sa Pasig ay pumasok siya sa Colegio del Buen Consejo. Sadyang matalino ang ate ko, dahil na din siguro sa hilig niyang magbasa naalala ko grade 1 pa lang siya ang binabasa niya ay dictionary. Anong klaseng trip yun? Babasashin mo dictionary eh walang story yun hehehe. Tanggap ko naman hindi ako pumasa sa entrance examination at baka na din siguro nagsisimula nang bumaba ang piso laban sa dolyar noong 90’s kaya sa public na lang ako.

Pero wag ka! Kahit public ako ay proud na proud ako. Saan ka nakakita ng spaghetti na sais pesos at kakainin mo na parang ice candy hindi lahat ay nakaranas niyan. Hind rin lahat ay nakaranas na may timba kayo sa likod ng room at doon iihi para hindi lumabas, yun lang rinig mo ang pusitsit pag may umiihi sa likod. Pero hindi lahat ay nakaranas niyan. Grade 2 na ako nang napunta sa section 1, siguro dahil kahit papaano ay may raw intelligence naman ako sa aking genes kaya humabol. Pero hindi ako tulad ng iba na pangbato sa mga quiz bowl, MTAP contests at kung ano-ano pang patalinuhan na contest. Sumali ako sa journalism at umabot sa regional level pero cartoonist ako nun, naglakas loob din akong sumali sa mga poster making contest. Pero ayun awa ng Diyos wala akong panalo.

Pagdating ng high school, naku! Suntok na sa buwan na maging section one pa ako o kung tawagin namin ay pilot section. Sa 45 sections pinagsama-sama sa pilot sections ang nag-gagalingan at nagtatalinuhan na nilalang. Walang nagbago sa storya, nakaranas ako ng 73% na grade sa math at kinakailangan ko pang bumuli ng envelop na may basahan, chalk at eraser para lang pumatong sa 75%. Wala di kaya eh, bagama’t malakas ang confidence ko dahil boy scout ako, sabihin nating may karisma ako dahil pang masa ang dating (kaya ako nanalong student council) hindi ko na inisip na sumali sa debate at speech club. Paano ba naman pag nanonood ako eh parang mga minimi ni Meriam Defensor-Santiago kung magsisalita, sabi ko mukhang di ako uubra dito.

Pagdating ng college ganun pa din ang kwento, sadyang totoo na hindi ikaw ang pinakamagaling na tao sa mundo. May mas gagaling at gagaling pa sayo kahit sa pinakasulok ka pa mag-enroll sadyang may mga taong pinanganak na matatalino. Mas malaki kasi ang disappointment kung pinaniwala natin ang sarili natin na tayo ang pinakamagaling kahit pa sa larangan na master na master natin. Nung college isa ako sa mga napag-iiwanan, pag may projects dahil mas active ako sa student council at aktbista kami nung mga panahon na yun. Mas matagal pa ang ginugugol namin (or baka ako lang) sa labas kesa sa classroom. Siguro sinasadya ko rin nang mga panahon na yun na mag-excuse kapag ayaw ko ng subject tulad ng Math, PE, Biology, at Chemistry. Isip-isip ko ano naman ang paki-alam ko sa mga elemento ng daigdig e social science ako. Certainly lahat ng yun ay pawang justifications na lang, kaya nga saludo ako sa mga masisipag at matatalino kong kamag-aral at schoolmates.

I had a rough start, never akong naging dean’s lister at hindi din ako with flying colors pag graduate ko. In short wag na nating i-justify I am not the smart guy, intelligent guy who often top the class. Masaya na ako sa 3.00 at nagkikibit balikat lang ako pag may Incomplete (INC), nangangamot lang kapag nakagalitan ng Math professor namin.

So Ano Na?

Pagka- graduate namin maswerte ako dahil hindi ko naranasan na mag apply at makipag sabayan at dumagdag sa gyera para hindi ka maturing na unemployed or underemployed. Nakapag turo agad ako sa University kung saan ako nakapag tapos dahil na din sa kakayahan kong magsalita at mapadali ang mga bagay na mahirap maunawaan pumasa ako sa teaching demonstration. Sa nakapagturo ako sa kundisyon na tatapusin ko ang Master’s Degree ko within a given period of time.  Pero dumating yung panahon na parang gusto kong lumabas ng University, dun ako nag-college, dun din ako kumuha ng MA ko, at dun din ako nagtratrabaho. Ang problema takot akong lumabas kasi di tulad ng iba wala akong magandang baon sa TOR ko, wala din akong magandang academic credentials.
But I have to leave, I tried to apply sa BPO company in Ortigas, and ironically isa sa mga nag- interview sa akin ay dati kong estudyante na ipinasa ko lang dahil sa awa.

Nakakababa ng tingin sa sarili pero kailangan sumubok. Kung minamaliit natin ang BPO industry sa naranasan ko hindi siya dapat maliitin, mahirap ang training at lalagasin talaga ang grupo hanggang matira ang mga qualified. Pero sadyang hindi ko kaya ang pressure sa floor, yung tipong gusto mo nang mag- out pero biglang magring yung phone mo at may call ka. In short alis nanaman ako, that time hindi ko na talaga alam kung saan ako pupunta. Ano ba talaga ang gusto ko? Ano ba talaga ang balak ko sa buhay?

Nakikita ko ang mga classmate ko na graduate ng Master’s Degree at yung iba ay kumukuha na ng PhD. Meron din iilan na nag enroll sa College of Law at marami sa kanila kahit yung pinaka makulit sa amin ay may stable na trabaho. Eh ako? Ano na?

Sleepless Nights… depression

2013 nang ma- realize ko, though masaya ako para sa kanila may parang kung anong hindi magandang pakiramadam akong nararamdaman. Nawalan ako ng interes na humanap ng trabaho, nawalan din ako ng interes na gawin ang mga bagay na masaya akong gawin. I keep myself from my Church community and friends, ayaw ko na ding nagsisimba. Hindi ko alam kung ano ang purpose ko sa buhay… at hindi ko nga alam kung ano ang gusto kong gawin. Manonood ako ng TV hanggang 6am or kahit 7am pa, pag may nagising nang kasama sa bahay magkukunwari akong tulog, at kunwari kakagising pa lang. Matutulog ako bandang 1pm at gigising ng 4pm or 6pm, magsisimula na ulit ako, Facebook, basa, at nuod ng TV. Buti na lang hindi pa uso ang tokhang nun, bakak napagkamalan akong adik at humandusay diyan sa tabi.

Help!

Second year college ako nun when I met Kuya Row (Rolando Geronimo), umattend ako ng isang Psycho-Spiritual seminar o Exodus Experience Seminar sa St. Anne Church sa Taguig. Humanga ako sa taong ito bukod sa galing niyang mag preach, bilib ako sa pananampalataya niya at dedication sa paglilingkod sa simbahan at sa kapwa. He became my mentor in apologetics and preaching, through him God showed me my gift in preaching, at simula noon nagbibigay na ako ng talks sa community namin, sa kulungan at ibang church community.

Pero simula nang maka- graduate ako, magturo, at naging busy bihira na kaming magkita… hanggang sa tuluyan nang nawala ang communication namin. At eto na nga depress ako, hindi ko maalala kung anong occasion pero nagkita ulit kami after 2 years at nagkaroon ng pagkakataon mag-usap. He helped me to serve Christ and the Church again, he made me realize who am I at kung sino si Paul dati. Simple ang sinabi niya just go back to your personal covenant kay Hesus, ano ba ang usapan niyo? By then I realized I am here to serve the Lord… that’s my purpose.

I founded Young Evangelizers and Lay Leaders (YELL) sa San Agustin Parish, I worked full time with my fiancé then Mina. As I regain my purpose I also regain my self-esteem, disposition and direction. Pumunta kami sa mga rural areas convening youth sharing the Word of God, do street evangelization and cell group sessions. Salamat sa Diyos at gumamit siya ng tao upang makabangon akong muli. You just need to listen, obey, at humugot ng lakas mula sa pananampalataya sa Diyos.

Growing Purpose

As our relationship with God grows, the mission must grow as well. My mission is not just to serve people from rural areas, youth and inmates in Pasig City Jail, habang tumatagal mas lalong lumilinaw ang purpose ko, ang kailangan lang talaga ay makita natin ito. After our wedding, when my baby came I started questioning again my purpose Sabi ko “Lord do I need to work as full time lay missionary? Paano po ang pamilya ko?” May baby na kami, and she was diagnosed with congenital heart defect particularly a ventricular septal defect (VSD).  Then I realized our purpose grows, it develops along the way… the bigger the world we have the bigger responsibility we will have. As we become more mature, the purpose must grow then it will become bigger, meaningful, and more intimate.







My ultimate purpose :)
Yes! Ngayon mas malinaw na ang purpose ko mas simple pero mas malawak… to be a good head of the family (as a father and husband) and to inspire more people. Ito ang naging misyon ko which brings me in to more challenging journey… putting up my own company CORMENTIS Co. It’s a mission above all than a business, I look at it as a tool in doing my purpose. Today CORMENTIS Co. has long way to go, opportunities are coming and challenges are there too, it’s inevitable. But what makes me happy and fulfilled? Not the money, not the takeaways, not the time freedom, but the purpose which I am serving. That’s the ultimate goal, please God, and bless God through that purpose.  Kaya kahit bumagsak ako… hindi ako matatakot bumangon because I know where to go.


The Point

Life is not all about showing the world that you’re smart, you’re the best and the strongest. It’s all about getting better and better. It’s all about learning and growing. Yung mga 3.00 ko, incomplete, 73 at 75 na grades are merely evaluation of my current capacity, but it will not determine how big I can grow.

Tulad din ba kita na hindi alam kung saan ang punta? Malabo ang plano? Well, mahirap pero may pamamaraan kung paano masisimulan. I am an advocate of growth mindset… they call it is as the new psychology of success. Madali kasing sabihin na si Bill Gates, Steve Jobs, Michael Jordan, Robert Kiyosaki, ay mga taong nagtagumpay sa buhay. Pero may missing link… dapat makita natin ano ba ang mindset nila at ito dapat ang gawin nating modelo.

I will be writing more about this it’s a great tool for growth and success.


Wednesday, August 16, 2017

BABALA: HUWAG NIYONG GAWIN ITO PAG BOSS NA KAYO

Photo Credit: shutter.com
Power and position are dangerous when given to people who don’t know how to use it well. It is futile for his subjects and to the person where the power emanates. I remember one of the famous Koreanovelas in the country highs school pa ako nun, pero hindi kumpleto ang gabi kapag hindi namin napapanood ito ng mag-anak. Bukod sa epic at classic na tema nito na ang inaapi ay gagaling at aakyat sa kapangyarihan at mapapahiya ang mga mayayabang at dating umaapi sa kaniya. Hinding hindi ko malilimutan ang eksena na kung saan nakilala ni Jumong ang kaniyang ama na naka-kulong (though that time hindi niya alam na tatay niya pala ang kausap niya). Hindi eksakto pero napakaganda ng linyang binitawan ni Haemosu kay Jumong, ang kapangyarihan daw ay parang buhangin na kapag hinawakan mo ito ng mahigpit ay nauubos at nawawala.
For me a manager is not just a position in the organization and make sure that everything is in system and working well. He or she should be a leader too and a leader is a source of encouragement, he seeks loyalty not but he shows loyalty to his people that’s why his subject becomes loyal to him. A leader knows how to unleash the potential of the person without actually breaking his subject’s self-esteem and morale.
Well bakit ganito ang hugot ko? Marami akong gawain sa araw na ito August 16, 2017, so I went to a coffee shop (somewhere in Crossing) bukod sa malamig at may libreng wifi. It is a good place para matapos ko ang deadline ko for this day and make sure that this day is productive and profitable. Pagdating ko sa coffee shop humanap muna ako ng magandang spot, may nakita naman ako sa dulo malapit sa CR pero wala namang amoy. Malambot ang mahabang couch, malapit sa socket in case na ma lowbat ako. Usually I don’t make orders immediately, uupo muna ako ihahanda ang laptop at kung ano pa man ang dapat kung ilabas. Habang nag-aayos ako may napansin ako sa gawing kanan na sa una akala ko ay mga nagrereview lang na mga law school students or yung usual na mga freelance na sa mga coffee shop nagtratrabaho.
Pero hindi tatlo sila at napansin ko na mukhang yung dalawang medyo may edad siguro late 30’s or early 40’s na babae ay parang seryoso habang yung isang babae naman ay bagsak ang balikat at halatang stress at parang nahihiya. .Malakas kasi ang boses ng dalawang babae and I presume boss ito ng babae na naka slouch at parang gusto nang maluha sa kinauupuan niya. Hindi ko naman ugali na makinig sa usapan pero malakas ang boses ng dalawa. Condescending ang boses nila pero alam mong sarcastic ang mga ngiti at tawa nila. The issue is not clear pero I think it has something to do with sales and productivity, regardless of the issue as a manager, as a boss (that’s how the lady call them) this act of talking matters of suspension and productivity in a public place such as coffee shop is a big no no!
I am trying to be on that lady’s shoes at parang hindi ko maatim na sinasabon at binabanlawan ako habang marami ang nakakarinig. Kita ko sa mata ng kawawang babae na gusto niya nang matapos ang usapan at umiyak. At tuwing magsasalita itong employee nila maybe to explain iiling sila at yung isa may pa-face palm gesture pa. Hay sa totoo lang medyo naiinis ako sa nakikita ko nung mga oras na yun kasi mali, maling mali.

What is my point? If you want to encourage your people to be productive and teach them if they did something wrong or they are unproductive. One must be careful with her method of doing so, otherwise instead of getting the result that you want baka ang mangyari ay mag AWOL or magresign na lang ang empleyado mo. Someone would say nothing is indispensable, well ang dini- dispense ay basura at hindi tao, kung ito ang tingin natin sa emplayado hindi tao ang turing natin sa kanila kundi gamit na pwedeng ibasura. This perspective will definitely bring someone’s business to a disaster.

There are correct ways of encouraging people and I believe if every bosses will do this they will get an incredible responds from their employee. Please young people, who are future leaders and managers consider the following;
1.       Never Condemn or Criticize
Subukan nating lumagay sa kalagayan ng babaeng nakita ko kanina? What would you feel? Do you think it is encouraging and will push us to our maximum potential? Walang tao ang gugustuhin sigurong ipahiya siya sa harap ng maraming tao, hindi criminal yan. Pero kung tutuusin ang suspect nga sa isang krimen ay consider innocent unless proven guilty ano pa kaya ang isang empleyado na maaring nagkamali lang or may hindi lang nauunawaan sa sistema. Huwag nating ilagay ang empleyado natin sa isang estado na mapilitan siyang lumaban at dumepensa dahil napapahiya na siya. Marami nang ganitong kaso ang umabot sa DOLE at Supreme Court at naging sakit sa ulo ng employer ang problema at abalang hatid nito. The point is walang panalo kung ipapahiya at pagagalitan mo ang isang tao o emplayado sa harap ng maraming tao. Talo ang empleyadong napagalitan dahil bumaba ang kaniyang tiwala sa sarili na maaring maka-apekto sa pagkatao niya at trabaho. Talo ang manager dahil magpapabagal ito ng operasyon at lilikha ng hindi magandang impression ng management sa mata ng mga empleyado. Make it private, make it with respect that they deserve.
2.       Appreciate Genuinely
Pag mali madaling napapansin pero pag tama hindi napapansin. Pag may kailangan magaling, pag wala hindi ka pinapansin. Do not do this please, mawawalan ng malasakit ang empleyado mo, everything will be calculated at hindi ito maganda for the business. This is a priceless reward na hindi mapapantayan ng pera ang ma-appreciate at ma-recognize ang mga empleyado.
Iba din po ang genuine appreciation sa nangbobola (flattering) lang. When we appreciate do it genuinely, please do not tell a person na he or she is so smart. If we do this we are not actually appreciating, we are flattering (nambobola) because we want him/her to continue the result that you want. The negative effect with this usually and it was proven by some research done in relation with learning, when we keep telling a person that he/she is smart or perfect the tendency is they will stop stretching their effort and they will be contented in thriving with sure things. Kasi masaya na tayo dun as boss or manager eh, eh di yun lang ang gagawin ko para palaging smart pero totoo ba na hindi ka magkakamali kahit isa? Tapos pag nagkamali masasabi pa rin kaya natin na you’re smart, or magagalilt ka? Imagine the effect of this non-genuine appreciation.
So ano ang dapat gawin? Appreciate the effort, the result, the perseverance, the time, and the service. When you try to appreciate this things the result certainly will be different and positive.
3.       Be Loyal First

Matagal din akong naging empleyado ng gobyerno and it is an open secret na uso ang palakasan at pataasan ng koneksyon kung gusto mong manatili sa posisyon or magka-posisyon. Napansin ko din na napaka-importante ng loyalty sa mga local government offices, pag hindi ka loyal kay Mayor o kay Congressman o kay Kapitan demoted ka or hindi i-rerenew ang kontrata mo. Nakakalungkot mang isipin this is the culture that we have, kaya nga nagkaroon na din ng kaisipan na pag leader ka you must make your people loyal to you. Kung hindi naman humanap ka ng mga taong loyal sayo.
Kultura din ito sa ilang company, pag hindi ka loyal kay boss malabo ang promotion mo. At the end of the day si empleyado ang kawawa, ang constituent ang kawawa. Naniniwala ako na hindi talaga loyalty ang nakukuha ng isang lider when he seek for loyalists. Ang nakukuha ng isang leader na naghahanap ng loyalista ay mga taong gustong makinabang. Paano din tayo nakakasiguro na they are in your side because they do believe with your advocacy and principles? In order to get genuine loyalty we must be the first to be loyal to our people. Tayo muna ang maging loyal sa kanila, let’s care for their welfare, address and listen to their needs and grievances. Be loyal with your mission and vision not to your gain and profit. When you do this folks people will protect and care for you more than what you have expected. 

Marami pa actually, pero siguro iilan lang ang mga nabanggit ko at basic lang or fundamental. When you are in the position my dear young people… please love your employees/constituents, care for them and be loyal with your mission and purpose. 


Monday, August 14, 2017

MILLENNIAL 360

Sa panahon ngayon uso na daw ang instant. Instant noodles, instant coffee, instant ulam, instant love-life, instant research/thesis (dahil sa google)  lahat na yata meron nang instant. Dito nga daw tayo nabuhay at nagkaisip sa ganitong panahon kaya nga pati daw ang mindset ng mga millennial ngayon ay INSTANT na din. Gusto natin instant success, instant promotion, at instant yaman. Ang tingin tuloy sa atin ngayon “ahh ganiyan talaga yan millennial kasi… ganyan na talaga sa panahon ngayon” at dito nagsimula ang alamat na tayo daw ay impatient, impulsive, lack of focus, self-centered at kung ano-ano pa!
Well kung tutuusin tama nga naman! Pero masisi mo ba kami? Eh di sana hindi na lang naimbento ang instant coffee, instant noodles, ang google at kung ano-ano pang dahilan kung bakit ang maraming bagay ay instant na lang. Ipinanganak lang naman kami na nadatnan na lang halos ang mga ito. Pero ika nga ganun talaga, nothing is constant but change at sumasabay tayo sa pagbabagong ito, at ito ang malungkot na katotohanan. Pero hindi naman nangangahulugan na dapat na lang tayong magpadala sa mga pagbabagong ito. Nandyan nay an ang tanong na lang paano ba tayo tutugon sa mga pagbabago?
Kung ako ang tatanungin? Dapat hindi! We can respond according to the result that we desire, hindi dahil instant ang lahat ng bagay pati ugali natin instant na din. Uso pa din naman ang pagpaplano, pagpapasensya, delay gratification, at ang salitang focus. Panahon natin ito, it’s our era and we can always take advantage of the changes kasi mas kabisado natin at mas immerse tayo dito. Nakakatawa lang talaga minsan ang logic at parang kapanipaniwala dahil madaling tipmplahin ang 3 in 1 na kape gusto din natin madali ang promotion instant din? (silence with matching kuliglig) Kung tutuusin mali diba? Walang kaugnayan ang kape sa promotion mo! Pero dahil ito nga ang madalas nating naririnig and we allow our conscious mind to accept this our sub consciousness definitely will follow through our actions.
Okay! So paano nga ang dapat nating gawin para hindi tayo maging biktima ng maling connotation sa ating mga millennial. I have three stages in order to redefine our generation, and I think if we will strive to do this we will collectively redefine millennial and make a 360 turn.
Stage 1:  DESTROY
We have to destroy our old perspective, our old mindset and make a paradigm shift. Paano ng ba tayo mangarap? Paano tayo tayo mag-isip para sa kasalukuyan at sa hinaharap natin? Paano natin tignan an gating trabaho o pag-aaral? Is this a vehicle for us to achieve our destination or a tool to become who we really want to be? Ang lahat ng ito ay ilan lamang sa mga tanong na dapat nating sagutin, our mindset shall determine our destination therefore we must destroy first all the negative mindsets and get out of the fix mindset and start anew.
We have to stop thinking that success is a destination or an achievement na dapat nating maabot. We need to destroy the idea na you need to have a good grades and a good school to get the job that you want. We need to destroy the mindset that we need to have power, position, money, degree in order for us to be successful. These old ways of thinking brought us the negative brandings as millennials. We need to destroy this and accept the new paradigm that we can always choose and create.
Stage 2: RETHINK
Pagkatapos nating bunutin at unti-unting alisin ang mga maling perspective natin, it’s also the perfect time to RETHINK. Eto ang mga sumasagot sa tanong na bakit ko ba gustong maabot ang pangarap ko? Pag nagkaroon ba ako ng malaking bahay, kotse, sariling opesina, at hawak ko na ang sariling oras ko tapos na ba yun? Hihinto na ba ako sa pangangarap at pagpupursige dahil naabot ko naman na ang pangarap ko? Tulad ng sinabi ko sa iba ko pang article at mga talks you need to know your BIG WHY!
Naniniwala din ako na hindi kumpleto ang plano at sagot sa “why” kung ito ay makasarili at naka-sentro lang sayo. Bukod sa maitutulong nito sayo, ano naman ito para sa iyong pamilya at sa ibang tao? Ano ito para sa komunidad at lipunan? Sa panahon ngayon, sa takbo ng negosyo at ekonomiya ang makasariling pag-iisip ay walang puwang sa paglago.

Stage 3: REBUILD
To rebuild we should have the growth mindset, willing tayong mag accept ng ideas maging ito man ay direktang salungat sa nakagisnan natin. In rebuilding it requires discipline and consistency at nagsisimula ito sa mga maliliit na bagay, we must establish positive habits para makabuo tayo ng isang bagong depenisyon ng millennial. Let’s prove them wrong, but of course it is beyond proving them wrong, but it is more of paving the way for a better future for you, your family and the society.
Kung dati pag hindi natin gusto resign agad, pag hindi natin kasundo ang boss or salungat sa idea natin alis agad. Well having a rebuilt mindset (which is a growth mindset) you will either take this as a challenge to create an impact or to level up.
Kung dati natatakot kang mag-apply dahil hindi ka naman from UP, Ateneo or ano pa mang prestigious school. With a new and correct perspective you’ll see how great you are and capable you are hindi dahil sa school kundi dahil you have something unique to offer.
Kung dati, we are thinking how to be in the position and get what we want. When you successfully rebuilt your perspective you’ll see na ang mundo ay hindi lang tungkol sayo… but it is something greater, it is for your family, workmates, clients and the society.
Ito ang MILLENNIAL 360… ganito tayo at kaya natin. We can always choose a better future for us. Choose now. To stay or to change!
Kaya this coming OCTOBER we will launch the MILLENNIAL 360, our vision is to empower the youth in taking action in redefining our generation. We are planning to invite and partner with different school organizations and talk about character building, career, economy, society, business and entrepreneurship.

Hintayin niyo kami sa inyong mga campuses particularly in Metro Manila and South Luzon. We will go school to school and bring this campaign to young people. Help us build a better generation, a generation that is prepare and equip in facing the fast changing world. See you soon!