Sa panahon ngayon uso na
daw ang instant. Instant noodles, instant coffee, instant ulam, instant
love-life, instant research/thesis (dahil sa google) lahat na yata meron nang instant. Dito nga daw
tayo nabuhay at nagkaisip sa ganitong panahon kaya nga pati daw ang mindset ng
mga millennial ngayon ay INSTANT na din. Gusto natin instant success, instant
promotion, at instant yaman. Ang tingin tuloy sa atin ngayon “ahh ganiyan
talaga yan millennial kasi… ganyan na talaga sa panahon ngayon” at dito nagsimula
ang alamat na tayo daw ay impatient, impulsive, lack of focus, self-centered at
kung ano-ano pa!
Well kung tutuusin tama
nga naman! Pero masisi mo ba kami? Eh di sana hindi na lang naimbento ang
instant coffee, instant noodles, ang google at kung ano-ano pang dahilan kung
bakit ang maraming bagay ay instant na lang. Ipinanganak lang naman kami na
nadatnan na lang halos ang mga ito. Pero ika nga ganun talaga, nothing is
constant but change at sumasabay tayo sa pagbabagong ito, at ito ang malungkot
na katotohanan. Pero hindi naman nangangahulugan na dapat na lang tayong
magpadala sa mga pagbabagong ito. Nandyan nay an ang tanong na lang paano ba
tayo tutugon sa mga pagbabago?
Kung ako ang tatanungin?
Dapat hindi! We can respond according to the result that we desire, hindi dahil
instant ang lahat ng bagay pati ugali natin instant na din. Uso pa din naman
ang pagpaplano, pagpapasensya, delay gratification, at ang salitang focus.
Panahon natin ito, it’s our era and we can always take advantage of the changes
kasi mas kabisado natin at mas immerse tayo dito. Nakakatawa lang talaga minsan
ang logic at parang kapanipaniwala dahil madaling tipmplahin ang 3 in 1 na kape
gusto din natin madali ang promotion instant din? (silence with matching
kuliglig) Kung tutuusin mali diba? Walang kaugnayan ang kape sa promotion mo!
Pero dahil ito nga ang madalas nating naririnig and we allow our conscious mind
to accept this our sub consciousness definitely will follow through our
actions.
Okay! So paano nga ang
dapat nating gawin para hindi tayo maging biktima ng maling connotation sa
ating mga millennial. I have three stages in order to redefine our generation,
and I think if we will strive to do this we will collectively redefine
millennial and make a 360 turn.
Stage 1: DESTROY
We have to destroy our
old perspective, our old mindset and make a paradigm shift. Paano ng ba tayo
mangarap? Paano tayo tayo mag-isip para sa kasalukuyan at sa hinaharap natin?
Paano natin tignan an gating trabaho o pag-aaral? Is this a vehicle for us to
achieve our destination or a tool to become who we really want to be? Ang lahat
ng ito ay ilan lamang sa mga tanong na dapat nating sagutin, our mindset shall
determine our destination therefore we must destroy first all the negative
mindsets and get out of the fix mindset and start anew.
We have to stop thinking
that success is a destination or an achievement na dapat nating maabot. We need
to destroy the idea na you need to have a good grades and a good school to get
the job that you want. We need to destroy the mindset that we need to have
power, position, money, degree in order for us to be successful. These old ways
of thinking brought us the negative brandings as millennials. We need to
destroy this and accept the new paradigm that we can always choose and create.
Stage 2: RETHINK
Pagkatapos nating bunutin
at unti-unting alisin ang mga maling perspective natin, it’s also the perfect
time to RETHINK. Eto ang mga sumasagot sa tanong na bakit ko ba gustong maabot
ang pangarap ko? Pag nagkaroon ba ako ng malaking bahay, kotse, sariling
opesina, at hawak ko na ang sariling oras ko tapos na ba yun? Hihinto na ba ako
sa pangangarap at pagpupursige dahil naabot ko naman na ang pangarap ko? Tulad
ng sinabi ko sa iba ko pang article at mga talks you need to know your BIG WHY!
Naniniwala din ako na
hindi kumpleto ang plano at sagot sa “why” kung ito ay makasarili at
naka-sentro lang sayo. Bukod sa maitutulong nito sayo, ano naman ito para sa
iyong pamilya at sa ibang tao? Ano ito para sa komunidad at lipunan? Sa panahon
ngayon, sa takbo ng negosyo at ekonomiya ang makasariling pag-iisip ay walang
puwang sa paglago.
Stage 3: REBUILD
To rebuild we should have
the growth mindset, willing tayong mag accept ng ideas maging ito man ay
direktang salungat sa nakagisnan natin. In rebuilding it requires discipline
and consistency at nagsisimula ito sa mga maliliit na bagay, we must establish
positive habits para makabuo tayo ng isang bagong depenisyon ng millennial.
Let’s prove them wrong, but of course it is beyond proving them wrong, but it
is more of paving the way for a better future for you, your family and the
society.
Kung dati pag hindi natin
gusto resign agad, pag hindi natin kasundo ang boss or salungat sa idea natin
alis agad. Well having a rebuilt mindset (which is a growth mindset) you will
either take this as a challenge to create an impact or to level up.
Kung dati natatakot kang
mag-apply dahil hindi ka naman from UP, Ateneo or ano pa mang prestigious
school. With a new and correct perspective you’ll see how great you are and
capable you are hindi dahil sa school kundi dahil you have something unique to
offer.
Kung dati, we are
thinking how to be in the position and get what we want. When you successfully rebuilt
your perspective you’ll see na ang mundo ay hindi lang tungkol sayo… but it is
something greater, it is for your family, workmates, clients and the society.
Ito ang MILLENNIAL 360…
ganito tayo at kaya natin. We can always choose a better future for us. Choose
now. To stay or to change!
Kaya this coming OCTOBER
we will launch the MILLENNIAL 360, our vision is to empower the youth in taking
action in redefining our generation. We are planning to invite and partner with
different school organizations and talk about character building, career, economy,
society, business and entrepreneurship.
Hintayin niyo kami sa
inyong mga campuses particularly in Metro Manila and South Luzon. We will go
school to school and bring this campaign to young people. Help us build a
better generation, a generation that is prepare and equip in facing the fast changing
world. See you soon!
No comments:
Post a Comment