![]() |
Defensive Pose: I was in Grade 2 when I became Section 1 at Mababang Paaralan ng San Miguel, Pasig City. |
Uso pa noon ang Section Star at hindi ako kabilang dun, section four ako noong Grade 1 sa
Mababang Paaralan ng San Miguel. Buti na lang at hindi ako seloso at hindi kami
pinalaki ng may inggitan sa pinaka paborito kong ate at nag-iisang kong
kapatid. Nag-aral ako sa isang public school habang ang ate ko naman ay
nag-aaral noong mga panahon na yun sa Angelicum College at paglipat namin sa
Pasig ay pumasok siya sa Colegio del Buen Consejo. Sadyang matalino ang ate ko,
dahil na din siguro sa hilig niyang magbasa naalala ko grade 1 pa lang siya ang
binabasa niya ay dictionary. Anong klaseng trip yun? Babasashin mo dictionary
eh walang story yun hehehe. Tanggap ko naman hindi ako pumasa sa entrance
examination at baka na din siguro nagsisimula nang bumaba ang piso laban sa
dolyar noong 90’s kaya sa public na lang ako.
Pero wag ka!
Kahit public ako ay proud na proud ako. Saan ka nakakita ng spaghetti na sais
pesos at kakainin mo na parang ice candy hindi lahat ay nakaranas niyan. Hind
rin lahat ay nakaranas na may timba kayo sa likod ng room at doon iihi para
hindi lumabas, yun lang rinig mo ang pusitsit pag may umiihi sa likod. Pero
hindi lahat ay nakaranas niyan. Grade 2 na ako nang napunta sa section 1,
siguro dahil kahit papaano ay may raw intelligence naman ako sa aking genes
kaya humabol. Pero hindi ako tulad ng iba na pangbato sa mga quiz bowl, MTAP
contests at kung ano-ano pang patalinuhan na contest. Sumali ako sa journalism
at umabot sa regional level pero cartoonist ako nun, naglakas loob din akong sumali
sa mga poster making contest. Pero ayun awa ng Diyos wala akong panalo.
Pagdating ng
high school, naku! Suntok na sa buwan na maging section one pa ako o kung
tawagin namin ay pilot section. Sa 45 sections pinagsama-sama sa pilot sections
ang nag-gagalingan at nagtatalinuhan na nilalang. Walang nagbago sa storya,
nakaranas ako ng 73% na grade sa math at kinakailangan ko pang bumuli ng
envelop na may basahan, chalk at eraser para lang pumatong sa 75%. Wala di kaya
eh, bagama’t malakas ang confidence ko dahil boy scout ako, sabihin nating may
karisma ako dahil pang masa ang dating (kaya ako nanalong student council)
hindi ko na inisip na sumali sa debate at speech club. Paano ba naman pag
nanonood ako eh parang mga minimi ni Meriam Defensor-Santiago kung magsisalita,
sabi ko mukhang di ako uubra dito.
Pagdating ng
college ganun pa din ang kwento, sadyang totoo na hindi ikaw ang pinakamagaling
na tao sa mundo. May mas gagaling at gagaling pa sayo kahit sa pinakasulok ka
pa mag-enroll sadyang may mga taong pinanganak na matatalino. Mas malaki kasi
ang disappointment kung pinaniwala natin ang sarili natin na tayo ang
pinakamagaling kahit pa sa larangan na master na master natin. Nung college isa
ako sa mga napag-iiwanan, pag may projects dahil mas active ako sa student
council at aktbista kami nung mga panahon na yun. Mas matagal pa ang ginugugol
namin (or baka ako lang) sa labas kesa sa classroom. Siguro sinasadya ko rin nang mga panahon na yun na mag-excuse kapag ayaw ko ng subject tulad ng
Math, PE, Biology, at Chemistry. Isip-isip ko ano naman ang paki-alam ko sa mga
elemento ng daigdig e social science ako. Certainly lahat ng yun ay pawang
justifications na lang, kaya nga saludo ako sa mga masisipag at matatalino kong
kamag-aral at schoolmates.
I had a
rough start, never akong naging dean’s lister at hindi din ako with flying
colors pag graduate ko. In short wag na nating i-justify I am not the smart
guy, intelligent guy who often top the class. Masaya na ako sa 3.00 at
nagkikibit balikat lang ako pag may Incomplete (INC), nangangamot lang kapag
nakagalitan ng Math professor namin.
So Ano Na?
Pagka-
graduate namin maswerte ako dahil hindi ko naranasan na mag apply at makipag
sabayan at dumagdag sa gyera para hindi ka maturing na unemployed or
underemployed. Nakapag turo agad ako sa University kung saan ako nakapag tapos
dahil na din sa kakayahan kong magsalita at mapadali ang mga bagay na mahirap
maunawaan pumasa ako sa teaching demonstration. Sa nakapagturo ako sa kundisyon
na tatapusin ko ang Master’s Degree ko within a given period of time. Pero dumating yung panahon na parang gusto
kong lumabas ng University, dun ako nag-college, dun din ako kumuha ng MA ko,
at dun din ako nagtratrabaho. Ang problema takot akong lumabas kasi di tulad ng
iba wala akong magandang baon sa TOR ko, wala din akong magandang academic
credentials.
But I have
to leave, I tried to apply sa BPO company in Ortigas, and ironically isa sa mga
nag- interview sa akin ay dati kong estudyante na ipinasa ko lang dahil sa awa.
Nakakababa ng tingin sa sarili pero kailangan sumubok. Kung minamaliit natin ang BPO industry sa naranasan ko hindi siya dapat maliitin, mahirap ang training at lalagasin talaga ang grupo hanggang matira ang mga qualified. Pero sadyang hindi ko kaya ang pressure sa floor, yung tipong gusto mo nang mag- out pero biglang magring yung phone mo at may call ka. In short alis nanaman ako, that time hindi ko na talaga alam kung saan ako pupunta. Ano ba talaga ang gusto ko? Ano ba talaga ang balak ko sa buhay?
Nakakababa ng tingin sa sarili pero kailangan sumubok. Kung minamaliit natin ang BPO industry sa naranasan ko hindi siya dapat maliitin, mahirap ang training at lalagasin talaga ang grupo hanggang matira ang mga qualified. Pero sadyang hindi ko kaya ang pressure sa floor, yung tipong gusto mo nang mag- out pero biglang magring yung phone mo at may call ka. In short alis nanaman ako, that time hindi ko na talaga alam kung saan ako pupunta. Ano ba talaga ang gusto ko? Ano ba talaga ang balak ko sa buhay?
Nakikita ko
ang mga classmate ko na graduate ng Master’s Degree at yung iba ay kumukuha na
ng PhD. Meron din iilan na nag enroll sa College of Law at marami sa kanila
kahit yung pinaka makulit sa amin ay may stable na trabaho. Eh ako? Ano na?
Sleepless Nights…
depression
2013 nang
ma- realize ko, though masaya ako para sa kanila may parang kung anong hindi
magandang pakiramadam akong nararamdaman. Nawalan ako ng interes na humanap ng trabaho,
nawalan din ako ng interes na gawin ang mga bagay na masaya akong gawin. I keep
myself from my Church community and friends, ayaw ko na ding nagsisimba. Hindi
ko alam kung ano ang purpose ko sa buhay… at hindi ko nga alam kung ano ang
gusto kong gawin. Manonood ako ng TV hanggang 6am or kahit 7am pa, pag may
nagising nang kasama sa bahay magkukunwari akong tulog, at kunwari kakagising
pa lang. Matutulog ako bandang 1pm at gigising ng 4pm or 6pm, magsisimula na
ulit ako, Facebook, basa, at nuod ng TV. Buti na lang hindi pa uso ang tokhang
nun, bakak napagkamalan akong adik at humandusay diyan sa tabi.
Help!
Second year
college ako nun when I met Kuya Row (Rolando Geronimo), umattend ako ng isang
Psycho-Spiritual seminar o Exodus Experience Seminar sa St. Anne Church sa
Taguig. Humanga ako sa taong ito bukod sa galing niyang mag preach, bilib ako
sa pananampalataya niya at dedication sa paglilingkod sa simbahan at sa kapwa.
He became my mentor in apologetics and preaching, through him God showed me my
gift in preaching, at simula noon nagbibigay na ako ng talks sa community
namin, sa kulungan at ibang church community.
Pero simula
nang maka- graduate ako, magturo, at naging busy bihira na kaming magkita…
hanggang sa tuluyan nang nawala ang communication namin. At eto na nga depress
ako, hindi ko maalala kung anong occasion pero nagkita ulit kami after 2 years
at nagkaroon ng pagkakataon mag-usap. He helped me to serve Christ and the
Church again, he made me realize who am I at kung sino si Paul dati. Simple ang
sinabi niya just go back to your personal covenant kay Hesus, ano ba ang usapan
niyo? By then I realized I am here to serve the Lord… that’s my purpose.
I founded
Young Evangelizers and Lay Leaders (YELL) sa San Agustin Parish, I worked full
time with my fiancé then Mina. As I regain my purpose I also regain my
self-esteem, disposition and direction. Pumunta kami sa mga rural areas
convening youth sharing the Word of God, do street evangelization and cell
group sessions. Salamat sa Diyos at gumamit siya ng tao upang makabangon akong
muli. You just need to listen, obey, at humugot ng lakas mula sa
pananampalataya sa Diyos.
Growing Purpose
As our
relationship with God grows, the mission must grow as well. My mission is not
just to serve people from rural areas, youth and inmates in Pasig City Jail, habang
tumatagal mas lalong lumilinaw ang purpose ko, ang kailangan lang talaga ay
makita natin ito. After our wedding, when my baby came I started questioning
again my purpose Sabi ko “Lord do I need to work as full time lay missionary?
Paano po ang pamilya ko?” May baby na kami, and she was diagnosed with
congenital heart defect particularly a ventricular septal defect (VSD). Then I realized our purpose grows, it
develops along the way… the bigger the world we have the bigger responsibility
we will have. As we become more mature, the purpose must grow then it will
become bigger, meaningful, and more intimate.
My ultimate purpose :) |
The Point
Life is not all about
showing the world that you’re smart, you’re the best and the strongest. It’s
all about getting better and better. It’s all about learning and growing. Yung mga 3.00 ko, incomplete, 73 at
75 na grades are merely evaluation of my current capacity, but it will not
determine how big I can grow.
Tulad din ba
kita na hindi alam kung saan ang punta? Malabo ang plano? Well, mahirap pero
may pamamaraan kung paano masisimulan. I am an advocate of growth mindset… they
call it is as the new psychology of success. Madali kasing sabihin na si Bill
Gates, Steve Jobs, Michael Jordan, Robert Kiyosaki, ay mga taong nagtagumpay sa
buhay. Pero may missing link… dapat makita natin ano ba ang mindset nila at ito
dapat ang gawin nating modelo.
I will be
writing more about this it’s a great tool for growth and success.
No comments:
Post a Comment