Zzzz.... Hindi ko na siguro kailangan
explain pa ang picture na ito, tulog ako during my Graduation day. Hindi dahil
sa hindi importante sa akin ang araw na yun, pero sadyang nakakaantok dahil sa
dami ng graduating students na aakyat sa stage, talagang hihikabin ka at worse
baka makatulog ka pa tulad ko. Imagine libo-libo kaming tatawagin sa entablado?
Gaano katagal yun?
Luto na ang hipon na ginisa
sa luya at asukal, skabetse, inihaw na isda at handa na rin ang mga mucho sa
Graduation Party ko, na hindi naman gaganapin sa bahay namin sa Pasig. Nagkusa
nang maghanda ang mga kamag-anak namin sa Bacoor Cavite ng isang graduation
party. Ang totoo kasi ramdam ko namang proud sila na may nakapagtapos sa angkan
namin, sa side kasi ng Papa , sa kanilang labingisang magkakapatid, kung hindi
man wala ay iilan lang talaga kaming pinalad na makatapos ng kolehiyo.
Nakakatuwa lamang isipin na kahit mahirap ang pamilya namin, at karamihan sa
mga tiyuhin ko ang talent ay uminom ng mucho mahalaga pa din sa kanila ang
edukasyon.
Dahil nga sa espesyal na
salo-salo hindi na namin tinapos ang commencement exercise, mula sa MOA SMX ay
dumeresto na kami sa Cavite. Doon sila nakatira sa ilalim lang halos ng tulay
sa Aguinaldo Highway, in short informal settlers sila doon, so mula Las Pinas
ay sasakay pa kami ng ferry boat…este bangka papunta sa lugar nila… dos pesos
lang ang bayad. Pagdating namin sa munti nilang barong barong doon may
nakasabit na homemade banner “Congartulations Kuya Popoy.” Nakakaproud, proud
ako para sa Tatay at Nanay ko, dahil parang nadagdagan pa ang pride nila bilang
magulang, na makita ang anak nila na kinakatuwaan ng mga kamag-anakan dahil sa
narating nito.
Para akong artista papicture
ng papicture sa akin ang mga kamag-anak ko, nakakataba ng puso at the same time
parang pumapalakpak ang tenga mo sa tuwa at pagka-proud. Pero isang tanong ang
gumugulo sa isip ko… after nito ano na? Ano ang mga susunod kong gagawin? Saan
ako mag-aapply? Paano ako sasabay? Hindi naman ako Cum Laude never nga akong
naging Dean’s Lister, lalong hindi naman ako galing sa UP, Ateneo, De Lasalle
or UST. Paano ako makikipagsabayan sa kanila? Saan ang bagsak ko nito?
Marahil ganito din ang
tanong ng marami sa atin, lalong lalo na sa mga Graduating students. The fact
is mahirap naman talagang makipag-sabayan, malaki at malakas ng competition sa
market o saang industriya ka man kabilang. At kadalasan naiinip na lamang tayo
or ang iba naman pressure nang magkatrabaho kaya naman ang tendency ay pupunta
tayo sa trabaho na hindi naman talaga natin gusto. Indeed it is a fact, but the
truth is kahit malakas ang competition, it doesn’t follow na hindi ka pwedeng
mag succeed. Kung hindi pa man nagsisimula ang laban and we are discouraged at
pinag-iisipan natin na “dito na lang ako mag-aapply” dahil nga feeling natin ay
hindi tayo karapat-dapat sa ideal job natin… let me tell you this. It’s a myth.
Hindi
totoo na we cannot get the job that we want, ang totoo it’s not on the GRADES,
not on the SCHOOL, or ACHIEVEMENTS… it’s all about YOU. How you perceive about
your own capability as a person.
Allow me to give some tips
on how to get your dream job or at least make a step towards that dream. Take
note, not everyone can do this, but if someone could, well this will be a great
advantage for him/her.
Step
1: Discover and Magnify Your Talent
Everyone has a talent,
whether innate or nurtured lahat tayo ay may talento. Walang tao ang walang
talento, you just need to discover it at kung hindi mo pa nadidiscover ngayon
sa edad mong yan, medyo mahaba-habang trabaho yan… but it’s possible and
doable. Your talent is your greatest asset, God gave that talent for you to bless
people most specially your family. Gusto niyang gamitin mo ito, the tough part
here yung madiscover mo na yung talent mo ay malayo sa tinapos mo (tulad ko).
Pero mapalad ka naman kung ang talento mo ay talagang in lined sa natapos mong
kurso. Nevertheless, either of the said situation the point is you’ve
got to take advantage of that talent, magnify it, cultivate it-it’s your
greatest capital.
Step
2: Plan
Talent alone is not enough,
you’ve got to have a clear plan. Una tanungin mo ang sarili mo bakit mob a gustong
maabot ang pangarap na yan? Para lang ba sa sarili mo? Or I am pretty sure…
gusto mong maabot ang pangarap na yan para sa pamilya mo or mahal mo sa buhay.
Your “WHY” is very important, it’s your booster once na nadapa ka, it’s your
reason to go forward. Once you know your “why” you will easily have a picture
of your goal… ultimate goal at least ten years from now. I suggest you write it
down, describe your goal clearly, in detail and exact. Wag kang magarap ng malabo,
malabo din ang resulta nito. Anong company ka magtratrabaho? Anong suot
mo sa office? May sarili ka bang table? Or baka naman gusto mo ay may sarili
kang company? Magkano ang income mo? Anong itsura ng office mo? Be specific as
you can. Write this down everyday… yes everyday again and again at least for
1-5 months after your graduation, it will help to you to build a habit, a habit
that will bring you to your dream.
Step
3: Jump
After you discover your
talent and made a great plan the next step is to jump. Equipped with that
talent, you need to jump and your talent is your parachute. It will open… soon.
You just need to be brave. Kung nag-aapply ka remember this, may mga employers
na ang tinitignan ay ang potential ng aplikante niya, hindi kung saan siya
nanggaling. It is not a must that you start to your dream company, the main thing
here is to start kahit sa small player company as long as you do what you love
and you practice your talent. It is already a big step in reaching your
dream job. In on line application make sure that your spill is brief, clear and
tell something about your talent. Hindi mo kailangan ng nobelang spill in on
line application or sa application letter mo, you just need to magnify your
talent. Some will disregard it or even laugh at you… siguro dahil feeling nila
ay mas magaling sila sayo. Pero remember this walang talento ang malaki
o maliit as long as that talent will bring you in your destination… just go on.
I have a different story but my story is not unique, tulad din ako ng iba na
late nang nadiscover ang interes sa business and entrepreneurship. Malamang
marami ding graduating students ang gustong mag-negosyo, maging boss ng sarili
niyang company pero natatakot. Fear will only bar us to achieve our dreams, but
facing it, choosing to be courageous will definitely bring us success. Tulad ng
sinasabi ko sa mga kabataang gustong maging businessman… start as young as you
are. Jump!
Step
4: Don’t Stop
Consistency is the key.
Hindi pwede ang “nana.” Hindi dahil hindi ka natanggap, nareject ka or nalugi
ka tapos na… suko na bes. Just don’t stop… failing is a gift for those people
who possesses a good mindset. You’ll experience rejection and even humiliation,
but just look forward, always have a picture of your goal in your mind. Be sure
na malinaw ang goal mo… at ang reason ng goals mo… and these things will keep
you going. Remember the law of sowing and reaping, kung ano ang tinanim yung
ang aanihin, so kung magtatanim ka ng takot wala kang aanihin kundi takot. Kung
magtatanim ka ng negatibong bagay, wala kang aanihin kundi negatibo din. Pero
kung magtatanim ka ng magadang karakter, kassipagan at consistency… aani ka ng
tagumpay. Tandaan mo din na hindi pag nagtanim ka ngayon ng kamatis
kina-umagahan aani ka na ng kamatis. NO! You have to wait… you have to water
your goals with perseverance… soon it will germinate.
Step
5: Help Other People
Please once you achieve your
dreams. Pag mayaman ka na or kahit papaano ay nakakaangat na… please
help other people to achieve their dreams too. Just pay it forward, and
let’s make a better world.
Kung hindi mo sisimulan
ngayon ang pagtupad ng pangarap mo? Kialan pa? See you in the summit of
success! J
No comments:
Post a Comment